Malubhang sakit

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang malubhang sakit o malalang karamdaman (Ingles: acute illness, acute disease, at acute sickness) ay mga karamdamang mabilis ang simula o pagdating na tumatakbo lamang sa loob ng maikling kurso o panahon at may markado o kapuna-punang mga tanda o sintomas. Sanhi ng mga mikrobyo ang karamihan o halos lahat sa mga ito. Kaugnay ito ng mga salitang pangpagkakaibang medyo malala (subacute sa Ingles) at kroniko (chronic sa Ingles).[1]

Paggamit ng mga salita[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang halimbawa ng paggamit ng mga pandiwang malala, medyo malala, at kroniko ang ganitong paglalarawan: maaaring malubha (acute) ang rayumatismo (katulad ng rayumatikong lagnat). Ngunit kung hindi gaanong hayagan at mas matagalan ang lagnat at iba pang mga sintomas, tinatawag itong medyo malala (subacute) lamang. Sa kronikong anyo (chronic) ng rayuma, mayroong pananakit at paninigas ng mga kasu-kasuan na tumatagal ng mga buwan o mga taon.[1]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Robinson, Victor, ed. (1939). "Acute, subacute, at chronic". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 16.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.