Pumunta sa nilalaman

Mario

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Estatwa ni Mario sa Sweden
Mario
Unang paglitaw Donkey Kong
July 9, 1981
Nilikha ni Shigeru Miyamoto
Ginampanan ni Lou Albano
Bob Hoskins (1993 na pelikula)
Binosesan ni Charles Martinet (1996-)
Lou Albano
Walker Boone
Chris Pratt (2023 na pelikula)
Kabatiran
Mga bansagJumpman[1]
SpeciesTao
KasarianLalaki
HanapbuhayTubero
(Mga)mahahalagang tao sa buhayPrincess Peach
Mga kamag-anakLuigi (kambal na kabatid)
KabansaanItalyano

Si Mario ay isang karakter na mula sa mga larong bidyo. Si Mario ang pangunahing maskota ng Nintendo. Nagpakita siya sa higit sa 200 mga larong bidyo.

Si Mario ay isang tubero na nakatira sa Mushroom Kingdom sa karamihan ng mga laro. Sa mga larong Mario, sinubukan niyang pigilan ang kalaban niyang si Bowser mula sa pagkuha kay Princess Peach. Tinutulungan siya ng kanyang kapatid na si Luigi sa karamihan ng mga laro. Mayroon din siyang ibang mga kaaway tulad nina Donkey Kong, Wario, at Waluigi, kahit magkaibigan sila sa ibang mga laro.

Si Mario ay isa sa pinakatanyag na karakter sa larong bidyo sa buong panahon. [2] Mahigit 200 milyong kopya ng mga laro na Mario ang naibenta. [3]

  1. http://www.ign.com/articles/2010/09/14/ign-presents-the-history-of-super-mario-bros
  2. http://www.gamecubicle.com/feature-mario-nflix_shining_star.htm[patay na link]
  3. http://www.cbc.ca/news/story/2008/04/17/tech-sims-milestone.html