Pumunta sa nilalaman

Mataas na Paaralang Nasyonal na Pang-agham ng Rizal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Mataas na Paaralang Nasyonal na Pang-Agham ng Rizal, mas kilala bilang RiSci ay isang sistema ng Mataas na Paaralang Pampubliko na Pang-Agham na nakabase sa Jose P. Rizal St. Batingan, Binangonan, probinsiya ng Rizal, Pilipinas. Itinatag noong 1998.


Mataas na Paaralang Nasyonal na Pang-Agham ng Rizal
Rizal National Science High School
Itinatag 1998
Uri Pampubliko
Kasapi Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas
Punong-Guro Ma. Elena V. Bernardo
Mga Mag-aaral 486 (taong pampaaralan 2004–2005)
Lokasyon Binangonan, Rizal, Pilipinas
Rehiyon Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay Sangay ng Rizal
Kampus Binangonan, Rizal
Pahayagan Ang Aghamanon, The Isotopes
Telepono (02) 652–2197
Katawagan RiSci

Nararapat na maging sentro ng kahusayan sa agham at teknolohiya, matematika at Ingles ang Pambansang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Rizal.

Itinatag ang Mataas na Paaralang Nasyonal na Pang-Agham ng Rizal upang mabigyan ang mga Rizalenong may natatanging talino o kakayahan ng mahahalagang pagsasanay sa Agham at Teknolohiya, Matematika at Ingles. Layunin din nitong makalinang ng mga mamamayang may global na kakayahang makipagtunggali na ginanyak ng pagmamahal sa Diyos, Inang Bayan at may malasakit sa bansa.

Naniniwala ang Mataas na Paaralang Nasyonal na Pang-Agham ng Rizal na ang pagbaibigay ng edukasyon sa mga mag-aaral ay nangangahulugan ng paghubog sa kanila bilang mga indibidwal na nagtataglay ng multiple intelligence at ang pagkakaloob sa kanila ng mas mataas pang akademikong kurikulum sa Agham at Teknolohiya, Matematika at Ingles na kinakailangan upang maihanda sila sa isang mapaghamong mundo.

Ang Mataas na Paaralang Nasyonal na Pang-Agham ng Rizal ay unang itinatag sa Unibersidad ng Sistema ng Rizal sa Binangonan, Rizal. Pagkatapos nito ay nagkaroon ito ng relokasyon sa Batingan.

Ang taong 1998 ay kilalang maalala bilang sentenyal na taon, isang makabuluhang hakbangin ng ating kasaysayan bilang isang bansa at bilang mamamayan. Minarkahan din nito ang simula ng isang panibagaong yugto sa pag-unlad ng sistema ng edukasyon inilalarawan ng malaking pagkukusa patungkol sa mahahalagang isyu. Isa sa mga positibong pagbabago sa edukasyon ang Rizal National Science High School sa Binangonan para sa taong-pampaaralan 1998-1999. Ito ay upang patatagin ang edukasyon sa agham sa kadahilanang ang edukasyon sa agham ay nagging isang epektibong instrumento tungo sa pagtaas ng antas ng buhay.

Upang makapagbigay ng mas mainam at angungunang programa sa edukasyong pang-agham, ang pagkakatatag ng Rizal National Scinece High School ay naisip at naihain ni Kong. Gilberto M. Duavit ng Unang Disrtito ng Rizal na siyang nakakita sa Rizal bilang sentro ng kaalaman sa Asya sa pakikipagtulungan sa DECS Sangay ng Rizal sa ilalim ng pamumuno ng Superintendent, Dr. Edith A. Doblada.

Ipinakilala naman ni Kong. Duavit ang House No. 3910, para sa layuning makapagtayo ng isang Paaralang Nasyonal na Pang-Agham sa Antipolo, Rizal na kikilalaning Rizal National Science High School.

Hindi nagtagal, nagsumite naman ng Resolusyon No. 97–140 ang mga miyembro ng lupon na sina Vergilio Esquerra at Felipe Vtal na naikikipag-usap kay Kong.Duavit na ilipat ang lugar mula antipolo patungong Binangonan. Kung kaya't ang naging lokasyon ng paaralan ay ang sementeryo sa Binangonan.

19 Enero 1998, ang Batas Republika Bilang 8724, ang batas na nagtatalaga ng isang Paaralang Nasyonal Pang-Agham sa Binangonan, Rizal, ay sa wakas naaprubahan.

Sa katunayan, ang pagkakatatag ng RNSHS ay tugon sa DECS Order No. 69,s 1993, kung saan ang Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Ispots (Depertment of Education, Culture, and Sports) ay naghikayat sa pagtatayo ng Mataas na Paaralang Pang-Agham panimula sa Mataas na Pampublikong Paaralan sa pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (Department of Science and Technology) simula taong-pampaaralan 1994-1995.

Kung kaya't inaasahan na ang Rizal National Sciecne high School ay magpapatupad ng isang espesyal na kurikulum na tutugon sa mga teknolohiyal at pangsosyo-ekonomiya na pangangailangan ng komunidad at makapagtatag ng ugnayan sa mga lokal na industriya at negosyo upang makapagbigay ng karagdagang kaalamang teknikal at aktwal na karanasang panggawain para sa sa mga mag-aaral.

Sa kauna-unahang pagpapatakbo, taong-pampaaralan 1998–1990, 90 iskolar (34 na lalako at 56 na babae); anim na guro at dalawang kasamahan sa paaralang galing sa lokal na pamahalaan ang pansamantalang itinira sa Rizal State College, Binangonan Campus sa ilalim ng pagmamasid ni Gng. Remedios C. Gervacio, Punong-guro III at Dr. Remedios G. Aquino, Tagamasid sa Agham, bilang monitoring official.

Samantala, 3 silid-aralan, 1 silid laboratoryong pang-kompyuter, 1 silid-aklatan, 1 guidance center, 1 kantina. Ten-seater na palikuran, at mga opisina ng punong-guro ang ginamit sa unang palapag ng gusaling RSC.

Ang kagamitang pang-agaham, instrukyonal na mga materyales tulad ng mga libro, tsart, kagamitang awdyo-biswal, mesa at upuan ay ibinibigay ng Pansangay at Pangrehiyong tanggapan ng DECS at ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal.

Sa kurikulum, ang RNSHS brochure, action plan, code of conduct, calendar of activities, syllabus at performance target ay pinagbago at pinagyaman.

Sumali kapwa sa mga munisipal, panlalawigan, panrehiyon at nasyonal na paligsahang pag-akademiko ang mga mag-aaral at nakapag-uwi ng ilang malalaking karangalan. Gayundin Sa Division Achievement Test, kung saan nanguna ang pagaralan sa halos lahat ngasignatura.

Noong 4 Hunyo 1999, bago mag-umpisa ang taong-pampaaralan 1999–2000, lumipat ang paaralan sa permanenteng nitong tahanan sa Barangay Batingan, gamit ang anim na nakumpletong silid, sapat lamang para sa anim na seksiyon. Ang tanggapan ay pansamantalang inilugar sa mga hallway at lobby.

Sa taong-pampaaralng 1999–2000, 177 isakolar naitala, kung saan 90 ang nasa unang taon, ay 87 ang nasa ikalawang taon na mayroong 12 guro at isang punong pampaaralan. tatlong iskolar ang lumipat bunga sa mga problemang pinasyal at layo ng lugar.

Taong-pampaaralan 2000–2001, kabuuang 347 mag-aaral ang umokupa sa paaralan. 90 sa una, 88 sa ikalawa, 85 sa ikatlong taon, at 84 sa ikaapat na taon.

Disyembre ng taong-pampaaralan 2001–2002, pumalit si G. Genesius Fulgueras, Punong-guro IV, bilang punong-guro. Umabot na ang populasyon ng paaralan sa 348 mag-aaral. Matapos ang walong buwang paglagi ni G. Fulgueras, naatasan si Gng. Marissa S.J Gatapia, Education Supervisor I sa agham Sekundarya, na maging Officer-in-Charge.

Noong taong 2002–2003, ang paaraalan ay pinamahalaan ni Gng. Ma. Cristina C. Camarse.

Taong Pampaaralan 2003- 2004 hanggang sa kalusukuyan, si Gng. Ma. Elena V. bernardo, Punong-guro II, ang itinalagang punong-guro ng paaralan.

Sa kasalukuyan, Taong Pampaaralan 2006–2007 ay mayroong 493 mag-aaral, 113 sa una, 106 sa ikalawa, 125 sa ikatlo at 149 sa ikaapat na taon, kasama ang 41 na masisipag, dedikado at dakilang mga guro at sumusuportang mga kawani.

Sa pagtatapos, ang Rizal National Science High School ay may pinakamataas na pag-asam sa pagsasakatuparan ng vison at mission ng isang Mataas na Paaralang Pang-Agham sa tulong at pagsuporta ng mga taga Local Government, Non-Government Organizations, at ng DepEd Rizal.

ASIGNATURA UNANG TAON IKALAWANG TAON IKATLONG TAON IKAAPAT NA TAON
SCIENCE General Science Biology Intermediate Chemistry Intermediate Physics
MATHEMATICS Algebra Algebra II Geometry Analytic Geometry and Statistics
ENGLISH Grammar & Literature Grammar & Asian Literature Grammar & World Literature Grammar & Debate
FILIPINO Gramatika Gramatika II Gramatika at Panitikan Gramatika at Panitikang Asyano
SOCIAL STUDIES Philippine History and Government Asian History World History Economics
MAPEH Music, Arts, Physical Education & Health Music, Arts, Physical Education & Health Music, Arts, Physical Education, Health & Citizenship Advancement Training Music, Physical Education, Health & Citizenship Advancement Training
TECHNOLOGY & HOME ECONOMICS/LIVELIHOOD EDUCATION Basic Drafting, Home Economics, Entrepreneurship, Agriculture Basic Drafting, Home Economics, Entrepreneurship, Agriculture Computer Science, AutoCAD, and Basic Accounting HTML and Frontpage
OTHERS Earth Science Introductory Chemistry & Research I Introductory Physics & Research II Research III
Values Education Values Education Values Education Values Education
Speech and Theater Arts Journalism Advanced Biology
Statistics I Statistics II Trigonometry Calculus

Tagapangulo ng mga Kagawaran

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tagapangulo Kagawaran
Lilia C. Nido Kagawaran sa Agham
Jenny Lynn F. Cruz Kagawaran sa Matematika
Nedia E. Lagustan Kagawaran sa Ingles
Alma S. Abuacan Kagawaran sa Filipino
Aida M. San Juan Kagawaran sa Teknolohiya at Edukasyong Pantahanan
Marcelino D. Vocalan Kagawaran sa MAPEH
Leovigilda G. Gutierrez Kagawaran sa Araling Panlipunan
Dulce C. Calces Kagawaran sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Pangkat (TP 2007–2008)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasalukuyang mayroong values-based na mga Pangkat ang Mataas na Paaralang Nasyonal na Pang-Agham ng Rizal

UNANG TAON IKALAWANG TAON IKATLONG TAON IKAAPAT NA TAON
Faith Courage Charity Fortitude
Hope Modesty Honesty Humility
Love Polite Joy Patience
Peace Wisdom Loyalty Perseverance

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]