Pumunta sa nilalaman

Mga monolitang Kurkh

Mga koordinado: 37°49′30″N 40°32′24″E / 37.825°N 40.54°E / 37.825; 40.54
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga Monolitang Kurkh)

37°49′30″N 40°32′24″E / 37.825°N 40.54°E / 37.825; 40.54

Kurkh Monoliths
The Monolith stele of Shalmaneser III
Paglalarawan
MateryalLimestone
Laki2.2m & 1.93m
PagsulatAkkadian cuneiform
Petsa
Ginawac. 852 BC & 879 BC
Pagkakatuklas
Natuklasan1861
Kasalukuyan
NasaBritish Museum
PagkakilanlanME 118883 and ME 118884

Ang Mga Monolitang Kurkh ay dalawang stele ng Asirya na naglalaman ng paghahari nina Ashurnasirpal II at kanyang anak na si Shalmaneser III. Ito ay natuklasan noong 1861 ng arkeologong British na John George Taylor sa Kurkh (ngayong Üçtepe, sa distritong Bismil ng probinsiyang Diyarbakir ng Turkey. Ito ay nakalagak sa British Museum mula 1863.[1]

Ang monolitang Shalmaneser III ay nagsasalaysay ng Labanan ng Qarqar at naglalaman ng pangalang "A-ha-ab-bu Sir-ila-a-a" na tumutukoy kay Ahab na hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) ,[2][3] bagaman ito lamang ang reperensiya sa mga rekord ng Asirya na tumutukoy sa katagang "Israel".[4]

Bahagi ng salin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sa mga puwersang suprema na binigay sa akin ni Ashur, ang aking Panginoon kasama ng mga makapangyarihang sandata na may makaDiyos na pamantayan na nauuna sa akin na ipinagkaloob sa akin, aking nilabanan sila. Aking tinalo sila mula sa siyudad ng Qarqar hanggang sa siyudad ng Gilzau. Aking pinutol ng espada ang 14,000 hukbo ng lumalaban na lalake. Gaya ni Hadad, pinaulan ko sila ng isang nakakawasak na delubyo. Aking pinalaganap ang kanilang mga bangkay at pinuno ang kapatagan. Aking pinutol ng espada ang kanilang mga hukbo. Aking pinadanak ang kanilang dugo sa mga wadi. Ang lupain ay sobrang liit sa pagpapatag ng kanilang mga katawan. Ang malawak na tabing nayon ay naubos sa paglibing sa kanila. Aking hinarang ang ilog Orontes ng kanilang mga bangkay gaya ng isang itinaas na daanan. Sa gitna ng laban, aking kinuha ang kanilang mga karro, kabalyero at mga pangkat ng mga kabayo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. British Museum Collection
  2. The Hebrew Bible: New Insights and Scholarship edited by Frederick E. Greenspahn, NYU Press, 2008 P.11
  3. Ancient Canaan and Israel: New Perspectives By Jonathan Michael Golden, ABC-CLIO, 2004, P.275
  4. Israel in Transition 2: From Late Bronze II to Iron IIA, edited by Lester L. Grabbe, p56, quote "The single case where "Israel" is mentioned is Shalmaneser's account of his battle with the coalition at Qarqar"