Pumunta sa nilalaman

Misil

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Misayl)
Lumilipad na misayl.

Ang misil o misayl[1] ay isang uri ng bagay na katulad ng kuwitis ngunit pinalilipad ito, inihahagis o ibinabaril. Sa makabagong panahon, karaniwan itong tumutukoy sa mga kagamitang pang-digmaan. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga bato, bala, pana, at sibat.

Sa millitar na terminolohiya, ang misil o misayl ay isang kusang lumilipad na armas na kadalasang pinapatakbo ng jet engine o rocket motor. Kaya't ang mga misayl ay tinatawag ding guided misayl o guided rockets[2] (kapag ginawang guided ang isang dating hindi gabay na rocket). Kadalasang binubuo ang misayl ng limang bahagi: pang-target, sistema ng paggabay, sistema ng pagpapalipad, makina at warhead. May iba't ibang uri din ng misayl depende sa layunin nito. Tulad ng lupa sa lupa (surface to air), hangin sa lupa (air to surface), lupa sa hangin (surface to air), hangin sa hangin (air to air) at anti satelayt.

Unang pagsulong

[baguhin | baguhin ang wikitext]
V-2 Misayl ng Alemanya ng ikalawang digmaang pandaigdig

Ang mga unang maituturing na modernong misayl na ginamit sa kontemporaryong labanan ay serye ng mga misayl na binuo ng Nazi Germany noong World War II. Ang pinakatanyag sa mga ito ay ang V-1 flying bomb at V-2 rocket, na parehong gumamit ng mekanikal na autopilot upang panatilihing lumilipad ang misayl sa isang paunang napiling ruta. [3]Hindi gaanong kilala ang isang serye ng mga misayl na Anti-Ship at Anti-aircraft, karaniwang batay sa isang simpleng radio control (manual command guidance) system na idinirekta ng operator. Gayunpaman, ang mga unang sistemang ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ginawa lamang sa maliit na bilang at hindi nakakita ng malawakang pag gamit o epekto sa kabuan ng ikalawang digmaang pandaigdig.[4]

Ang guided misayl ay binubuo ng iba't ibang sistema:

  • Sistema ng pag-gabay
  • Sistema ng pag-target
  • Sistema ng paglipad
  • Makina
  • Warhead

Mga sistema ng gabay, pag-target at paglipad ng misayl

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pinakakaraniwang uri ng gabay para sa mga misayl ay light guidance. Gumagamit ang misayl ng ilang anyo ng liwanag, tulad ng infrared, laser, o radio wave, upang gabayan ang sarili sa target. Ang radiation para sa ganitong uri ng pag-gabay ay maaaring magmula sa mismong target, mula mismo sa misayl, o mula sa ibang pwersa sa lugar.

Ang isa pang uri ng gabay para sa mga misayl ay ang paggabay sa target na lokasyon. Gumagamit ang misayl ng guidance system, gaya ng INS, TERCOM, o satellite guidance, para mahanap ang target. Alam ng system na ito ang kasalukuyang posisyon ng misayl at ang posisyon ng target, at pagkatapos ay kinakalkula ang kurso upang masundan ng misayl.

Ang flight system ay ang system na gumagamit ng impormasyon mula sa targeting o guidance system para mamaniobra ang misayl sa paglipad. Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga sistema ng paglipad para sa mga misayl: vectored thrust at aerodynamic maneuvering.

Ang mga misayl ay kadalsang pinapagana ng alinman rocket o jet engine[5]. Ang mga rocket engine ay karaniwang nasa uri ng solid-propellant, habang ang mga jet engine ay karaniwang nasa uri ng turbojet. Ang ilang mga misayl ay may maraming stages ng makina, na ang bawat stages ay pinapagana ng ibang uri ng makina.

Pangunahing uri ng misayl engine:

  • Rocket engine ay gumagamit ng kemikal na reaksyon upang makagawa ng mga maiinit na gas na itinatapon mula sa likod o nozzle ng makina, na lumilikha ng thrust o pwersang pa abante. Ang mga rocket engine ay simple at maaasahan, ngunit ito ay hindi medyo mabisa o episyente.
  • Ang mga makina ng jet ay gumagamit ng oxygen sa hangin upang masunog ng gasolina, na lumilikha ng mainit na hangin na itinatapon mula sa likod ng makina, na lumilikha ng thrust. Ang mga jet engine ay mas episyente kaysa sa mga rocket engine, ngunit ang mga ito ay mas kumplikado at nangangailangan ng higit na pagpapanatili.

Ang uri ng makina na ginagamit sa isang misayl ay nakasalalay sa hanay at misyon ng misayl. Ang mga short-range misayl ay karaniwang gumagamit ng mga rocket engine, habang ang mga long-range misayl ay kadalasang gumagamit ng jet engine. Ang ilang mga misayl, tulad ng mga cruise misayl na maaring ilunsad sa lupa, ay maaaring may rocket booster para sa paglulunsad at isang jet engine para sa matagal na paglipad.

Warhead ng Trident 2 ICBM na nag lalaman ng nuclear payload
Warhead ng Trident II intercontinental ballistic misayl

Kadalasan, ang mga misayl ay may isa o higit pang mga paputok o warhead, bagaman maaari ding gamitin ang iba pang uri ng armas. Ang mga warhead ng isang misayl ay nagbibigay ng pangunahing mapanirang kakayahan nito (maraming mga misayl ang may pangalawang mapanirang kakayahan dahil sa mataas na kinetic energy o bilis ng armas at hindi nasusunog na gasolina na maaring mag-apoy o sumabog). Ang mga warhead ay kadalasang may mataas na uri ng pampasabog, kadalasang gumagamit ng shaped-charge upang sirain ang mga matitibay na target. Kabilang sa iba pang mga uri ng warhead ang mga submunition, incendiary, nuklear weapon, kemikal, biological o radyologikal na armas o kinetic energy penetrator. Ang mga warheadless misayl ay kadalasang ginagamit para sa pagsasanay na hindi nangangailangan ng mapanirang kakayahan.

Pangunahing Tungkulin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga misayl ay kinaklaspika ayon sa platform ng paglulunsad at uri ng target, na may mga kategorya kabilang ang surface o air-launch, at karagdagang mga kategorya batay sa saklaw at target (hal., anti-tank o anti-ship). Ang ilang mga misayl ay maaaring paliparin mula sa lupa at hangin, habang ang ilan ay maaaring i-target ang parehong lupa at air-based na banta. Ang modipikasyon, tulad ng pagdaragdag ng mga booster, ay kadalasang idinadagdag upang iakma ang mga misayl para sa iba't ibang paraan ng pagpapalipad.

Pagkatapos ng boost stage, ang mga ballistic misayl ay sumusunod sa ballistic trajectory. Ang pag-gabay sa direksyon ng misayl ay para lamang sa maliliit na paglihis habang ito ay lumilipad.

Ang mga ballistic misayl ay higit na ginagamit para sa mga misyon sa pag-atake sa lupa. Bagama't karaniwang nauugnay sa mga nuklear na misayl, ang ilang hindi nukleyar na ballistic misayl na nasa serbisyo, tulad ng MGM-140 ATACMS. Ang katumpakan ng mga sistemang ito ay hindi sapat, ngunit ang pag-unlad ng teknolohiya pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig ang nag bunsod sa pagpabuti sa pangunahing konsepto ng Inertial navigation system hanggang sa punto kung saan maaari itong magamit bilang sistema ng gabay sa Intercontinental ballistic misayl na lumilipad ng libu-libong kilometro. Ngayon, ang ballistic misayl ay kumakatawan sa estratehikong pagpigil sa karamihan ng mga pwersang militar; gayunpaman, ang ilang mga ballistic misayl ay iniangkop para sa mga kanilang tungkulin, tulad ng Russian Iskander o ang Chinese DF-21D anti-ship ballistic misayl. Ang mga ballistic misayl ay pangunahing inilunsad sa ibabaw mula sa mga di sasakyang launcher, silo, barko o submarino.

Ang Russian Topol M (SS-27 Sickle B) ay ang pinakamabilis (7,320 m/s) misayl na kasalukuyang nasa serbisyo.[6]

Ang mabilis na pag asenso sa pag gawa ng cruise misayl at ang pag gamit makabagong istema ng pag gabay ang nag bunsod ng pag usbong ng mga sistema ng pag-atake na na ayon sa pag gamit ng cruise misayl, tulad ng US Tomahawk missile at Russian Kh-55. Nahahati sa dalawang grupo ang klasipikasyon nito. Ang subsonic (Hindi hihigit ang bilis sa mach 1) at supersonic na mga armas. Ang mga supersonic na armas tulad ng BrahMos ay mahirap harangin, samantalang ang mga subsonic na misayl ay mass mura, na nagbibigay-daan sa mas maraming pag gamit nito.

Ang mga cruise misayls ay karaniwang nauugnay sa mga operasyon ng pag-atake sa lupa, ngunit mayroon din itong mahalagang papel bilang anti-ship na armas. Pangunahing pinapalipad ang mga ito mula sa mga platform ng himpapawid, dagat o submarino, bagaman mayroon ding mga land-based na launcher.

Lupa sa hangin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Laban sa Eroplano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1944, pinaigting ng mga hukbong panghimpapawid ng US at British ang kanilang mga kampanya sa himpapawid sa sinasakop na Europa, na naglalagay ng mas malaking pangangailangan sa araw at gabing pwersang panghimpapawid ng Luftwaffe. Ang mga Aleman ay naghanap ng epektibong ground-based na mga anti-aircraft system, ngunit wala ni isa ang naging epektibo hanggang sa pagtatapos ng digmaan. Kasabay nito, sinimulan ng US Navy ang pananaliksik sa misayl upang kontrahin ang banta ng Kamikaze. Pagsapit ng 1950, ang pagsasaliksik ay humantong sa misayl tulad ng MIM-3 Nike Ajax ng US Army at ang "3T's" ng Navy (Talos, Terrier, Tartar), kasama ng Soviet (S-25 Berkut, S-75 Dvina), French, at mga sistemang Briton. Sa ngayon, ang mga sandatang laban sa eroplano ay sumasaklaw sa iba't ibang mga plataporma ng pagpapalipad, mula sa malalaking, self-propelled o ship-mounted launcher hanggang sa mga man-portable system, habang ang mga subsurface-to-air misayls ay pangunahing inilulunsad mula sa mga submarino.

Hangin sa Hangin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang ginamit ang misayl na laban sa panghimpapawid na sasakyan noong WWI laban sa mga lobong pangmasid at airship. Una silang na-deploy sa Labanan ng Verdun noong Abril 1916[7] at kalaunan sa Labanan ng Khalkhin Gol[8] noong tag-araw ng 1939. Sa isang engkwentro noong Agosto 20, 1939, si Captain N. Zvonarev ng Soviet Polikarpov I-16 fighter ay nagpabagsak ng isang Japanese Nakajima Ki-27 fighter gamit ang Le Prieur rockets mula sa malayo.[9] Noong WWII, ang mga jet ng Aleman na Messerschmitt Me 262 ay may dalangng R4M rockets, at ang iba pang "bomber destroyer" na sasakyang panghimpapawid ay may dalang walang gabay na rocket. Ang post-war, guided missiles tulad ng AIM-9 Sidewinder at AIM-4 Falcon ay nangibabaw sa modernong labanan, na nagtataglay iba't ibang kakayahan sa pag-target.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Misil, misayl, missile". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "missile". Oxford Reference (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The V Weapons". History Learning Site (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Archives, The National. "The National Archives - Homepage". The National Archives (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Redstone Missile Rocket Engine | National Air and Space Museum". airandspace.si.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "World's military powers". web.archive.org. 2010-05-30. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-30. Nakuha noong 2023-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Duffy, Michael (Agosto 22, 2009). "Encyclopedia - Le Prieur Rockets". Nakuha noong Hulyo 22, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Moore, Jason Nicholas. "Soviet Bombers of the Second World War". Nakuha noong Hulyo 22, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "NASA Technical Translation". Nakuha noong Hulyo 22, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)