Mga misteryong Mitraiko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mithraismo)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Dalawang mukhang relief na Mitraiko. Roma, ika-2 hanggang ika-3 siglo CE. Louvre Museum

Ang mga Misteryong Mitraiko o Mithraic Mysteries ay mga relihiyong misteryong sinanay sa Imperyo Romano mula mga ika-1 hanggang ika-4 na siglo CE. Ang pangalan ng diyos na si Mithra na ginawang Griyego bilang Mithras ay iniugnay sa isang bago at natatanging paglalarawan. Ito ay tinukoy ng mga Romano na Mga Misteryo ni Mithras o Mga Misteryo ng mga Persa (Persian). Ito ay tinutukoy ng mga modernong historyan bilang Mitraismo[1] o minsan ay Mitraismong Romano.[2][3] Ang mga misteryong ito ay sikat sa hukbong Romano.[4]

Ang mga mananamba ni Mithras ay may masalimuot na sistema ng pitong mga grado ng inisiasyon na may mga ritwal na pagkain. Ang mga inisiyado ay tumawag sa kanilang mga sarili na syndexioi na mga "nagkaisa sa pamamagitan ng pagkakamay".[5] Ang mga ito ay nagtatagpo sa mga pang-ilalim na templo na tinatawag na mithraea na nagpatuloy sa malaking mga bilang. Ang kultong ito ay lumilitaw rin na may episentro sa Roma.[6]

Ang ilang mga pagkakatuklas na arkeolohikal, kabilang ang mga tagpuang lugar, mga monumento, mga artipakto ang nag-ambag sa modernong kaalaman tungkol sa Mitraismo sa buong Imperyo Romano.[7] Ang mga eksenang ikoniko ni Mithras ay nagpapakita sa kanyang ipinanganak mula sa isang bato, nagpapaslang ng isang toro, at nagsasalo ng isang salo-salo sa diyos na si Sol(ang Araw). Ang mga 420 lugar ay nagdulot ng mga materyal na nauugnay sa kultong ito. Kabilang mga mga bagay na natuklasan ang mga 1000 inskripsisyon, 700 mga halimbawa ng eksenang pagpatay ng toro(tauroctonya) at mga 400 iba pang mga monumento.[8] Tinatayang may mga hindi bababa sa 680-690 Mithraea sa Roma.[9] Walang nakasulat na mga salaysay o teolohiya ang umiiral, may limitadong impormasyon na mahahango mula sa mga inskripsiyon at tanging maikli mga reperensiya sa mga panitikang Griyego at latin. Ang interpretasyon ng ebidensiyang pisikal ay nananatiling problematiko at pinagtatalunan.[10]

Ang mga mismong Romano ay tumuturing sa mga misteryo na may mga pinagkunang Persian o Zoroastrian. Simula noong mga 1970, ang nananaig na skolarsyip ay nagbigay pansin sa hindi pagkakatulad sa pagitan ng pagsambang Persian-Mithra sa Romano-Mitraikong at ang mga misteryo ni Mithras ay pangkalahatan ngayong nakikitang natatanging produkto ng daigdig na relihiyoso ng Imperyo Romano.[3] Sa kontekstong ito, ang Mitraismo ay minsang nakikitang katunggali ng sinaunang Kristiyanismo.[11]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Beck, Roger (2002-07-20). "Mithraism". Encyclopaedia Iranica, Online Edition. http://www.iranicaonline.org/articles/mithraism. Hinango noong 2011-03-24. "The term “Mithraism” is of course a modern coinage. In antiquity the cult was known as “the mysteries of Mithras”; alternatively, as “the mysteries of the Persians.”…The Mithraists, who were manifestly not Persians in any ethnic sense, thought of themselves as cultic “Persians.” …the ancient Roman Mithraists themselves were convinced that their cult was founded by none other than Zoroaster, who “dedicated to Mithras, the creator and father of all, a cave in the mountains bordering Persia,” an idyllic setting “abounding in flowers and springs of water” (Porphyry, On the Cave of the Nymphs 6)." 
  2. "Electronic Journal of Mithraic Studies". http://www.uhu.es/ejms/. Hinango noong 2011-03-28. "The Electronic Journal of Mithraic Studies (EJMS) is a revival of the Journal of Mithraic Studies edited by Dr. Richard Gordon. It is a place where researchers on Roman Mithraism can publish the product of their research and make it freely available for other interested people." 
  3. 3.0 3.1 Beck, Roger (2002- 7 -20). "Mithraism". Encyclopaedia Iranica, Online Edition,. http://www.iranicaonline.org/articles/mithraism. Hinango noong 2011-03-28. "For most of the twentieth century the major problem addressed by scholarship on both Roman Mithraism and the Iranian god Mithra was the question of continuity." 
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang geden 1); $2
  5. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang claussonhandshake); $2
  6. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang hopfe-5); $2
  7. Beck, Roger (2011-02-17). "The Pagan Shadow of Christ?". BBC-History. http://www.bbc.co.uk/history/ancient/romans/paganshadowchrist_article_01.shtml. Hinango noong 2011-06-04. "We know a good deal about them because archaeology has disinterred many meeting places together with numerous artifacts and representations of the cult myth, mostly in the form of relief sculpture." 
  8. Clauss, Manfred. The Roman Cult of Mithras: The God and his Mysteries. pp. xxi. ISBN 0-415-92977-6. 
  9. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang HaaseTemporini1984); $2
  10. Ulansey, David (1991). Origins of the Mithraic Mysteries. New York: Oxford UP. p. 3. ISBN 0-19-506788-6. "However, in the absence of any ancient explanations of its meaning, Mithraic iconography has proven to be exceptionally difficult to decipher." 
  11. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang RichardsonHopfe1994); $2