Pumunta sa nilalaman

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mormon Church)
Logo
Mormon baptism
Mormon baptism

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw o The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints o Mormon Church ay isang simbahang primitibistang Kristiyano na tumuturing sa sarili nitong ang pagpapanumbalik ng simbahang itinatag ni Hesus. Ito ay may headquarters sa Salt Lake City, Utah, Estados Unidos at may mga kongregasyon na tinatawag na mga ward o sangay gayundin ay may mga templo sa buong mundo. Inaangkin ng simbahang ito na sila ay may mga 80,000 misyonero sa buong mundo at may bilang ng kasaping higit sa 15 milyon. Ito ang ikaapat na pinakamalaking denominasyong Kristiyano sa Estados Unidos ayon sa National Council of Churches. Ito ang pinakamalaking denominasyon sa Latter Day Saint movement na sinimulan ni Joseph Smith noong panahon ng muling pagbuhay na pangrelihiyong tinatawag na Ikalawang Dakilang Pagkamulat.

Ang mga tagasunod nito ay minsang tinatawag na mga Banal sa Huling Araw o hindi pormal bilang mga Mormon. Ang teolohiya ng simbahang ito ay kinabibilangan ng kaligtasan sa pamamagitan lamang ni Hesus. Ang kanilang mga doktrina hinggil sa kalikasan ng Diyos at potensiyal ng sangkatauhan ay malaking iba sa karamihan ng ibang denominasyon ng Kristiyanismo. Ang simbahang ito ay may bukas na kanon na kinabibilangan ng kanon ng Bibliya, Aklat ni Mormon, Doctrine and Covenants, Pearl of Great Price. Bukod sa Bibliya, ang karamihan ng kanon ng LDS ay binubuo ng mga pahayag na idinikta ni Joseph Smith at kinabibilangan ng mga komentaryo at eksehis tungkol sa Bibliya, mga kasulatang inilarawang nawalang bahagi ng bibliya at iba pang mga kasulatang pinaniniwalaang isinulat ng mga sinaunang propeta. Sa ilalim ng doktrina ng patuloy na pahayag, ang mga Banal sa Huling Araw ay naniniwalang si Hesus sa ilalim ng pangangasiwa ng Makalangit na Ama ay namumuno sa simbahan sa pamamagitan ng kanyang paghahayag ng kanyang kalooban sa pangulo ng simbahan na itinuturing ng mga kasapi nito bilang modernong panahong "propeta,tagakita o tagapagpahayag".