Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Karta ng Kilusang Wikimedia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Movement Charter)

Buod: Ang Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ay nakatutok sa pagbubuo, sa paglilinang, at sa pagpapalawak ng karunungan. Ang Karta ng Kilusan (Movement Charter) ay umiiral dahil dito upang tukuyin ang Kilusang Wikimedia, at ang mga kaugalian at paninindigan nito.


Ang Karta ng Kilusan (Movement Charter) ng Ang Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ay magiging isang dokumento na magtutukoy sa mga kasapi nito ang kanya-kanyang mga katungkulan at gampanin. Kasama dito ang pagtataguyod ng isang Global Council na mamamahala sa Kilusan. Ang Karta ng Kasulatan (Movement Charter) ay kabilang sa mga pangunahing diskarte ng Kilusan.[1] Samakatuwaran, ito ay nangangailangan ng malawakang pagkakasundo.


Salin mula sa Inggles

[baguhin ang wikitext]

Preamble


Ang Kilusang Wikimedia (Wikimedia Movement) ay nakatutok sa pagbubuo, sa paglilinang, at sa pagpapalawak ng karunungan. Ang Karta ng Kilusan (Movement Charter) ay umiiral dahil dito upang tukuyin ang Kilusang Wikimedia, at ang mga kaugalian at paninindigan nito.

◆ Ito ay isang pinagkaisahang may taas na kasunduan, na nagpapaliwanag ng ugnayan ng mga kinatawan ng Kilusan; kalakip ang kanilang mga karapatan at katungkulan. Angkop dito ang mga nabuo nang mga kilusan, kapwa nang mga hindi pa nabubuo.

◆ Ang pagkabuhay ng Karta (the Charter) ay hango sa kasunduan ng mga pamayanan na pinamamahalaan nito, magmula sa pagpapatibay nito. Ang Kartang ito ay may bisang sumasakop sa lahat ng mga kasapi, mga kahanay at mga pinagkakatungkulan sa Kilusan, kasama ang mga tagapagbigay ng nilalaman, mga gawain, mga kasanib at ang Kapisanang Wikimedia Foundation.

◆ Upang maisakatuparan ang ating pinagkaisang pananaw, ang Kilusan ay gumawa ng mga malalawak na imbakan ng mga kaalaman (“the projects”) sa ibat-bang mga wika na may kanya-kanyang mga tinatanaw. Ang mga proyekto ay may mga pangsariling pamamahalaan, na gumagalang sa paglilimbag ng mga nilalaman at pangangasiwa nito, at sinusunod na pag-uugaling pamayanan.

Ang Kilusan ay mayroong kapwa mga mataguyod na grupo at mga grupong impormal na nakatutok sa mga dalubhasang mga bagay o kinaroroonan. Ang katungkulan ng mga grupong ito ay upang magtaguyod ng mga proyekto sa mga pamamaraang direkta at hindi direkta.

◆ Ang suplemento sa mga proyekto at grupong ito ay isang komprehensibong imprastraktura na may taglay na hanay ng mga katungkulan.

1. Ang imprastraktura ay nagtataguyod sa mga pangangailangang teknikal ng Kilusan.

2. Ang imprastraktura ay nagbibigay-tustos na financial at iba pang pangangailangan sa mga panimulang pagbubuo at pangangalaga ng kaalaman.

3. Ang imprastraktura ay nagsisikap na magtaguyod ng mga kapaligiran na maalinsunod sa batas at patakaran, na magbibigay-daan sa Kilusan na umunlad sa buong mundo.

4. Ang imprastraktura ay nagtataguyod din ng mga tagapagbigay ng nilalaman, mga tagabasa, at mga iba na nasa mga bahagi ng Kilusang Wikimedia sa buong mundo; sa pagbibigay-unlad at katiwasayaan kung saan ang kaalaman ay maaring ipamahagi at magamit; at kung sakali mang ito ay hindi maisasagawa ng projekto na maisakatuparan ito.


Ang lawak ng imprastraktura ay maaring may hangganan. Ito ay maaring maging dahil sa mga pinahahalagaan ng Kilusan o mga hadlang na mula sa labas ng Kilusan.


Ipahayag inyong kuro-kuro


Mga Pinagkahalagahan at Prinsipyo

[baguhin ang wikitext]

Values & Principles

Basahin ang pagkakasalin nito.

Anong mga bahagi ng kasulatang ito ang sa pananaw ninyo ay kailangang pagbutihin pa?
Nawaý magbigay ng inyong kuro-kuro.

Mga Ginagampanan at Responsibilidad

[baguhin ang wikitext]

Roles & Responsibilities[2]

Basahin ang ulat nito.

Anong mga bahagi ng kasulatang ito ang sa pananaw ninyo ay kailangang pagbutihin pa?
Nawaý magbigay ng inyong kuro-kuro.


  1. "Lessons Learned from the Wikimedia Summit 2022". www.hotosm.org.
  2. "Facilitating the Formation of Wikimedia's Movement Charter Drafting Committee". www.insightpact.com.