Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Imbensiyon"

Jump to navigation Jump to search
dagdag
(dagdag)
Ang isang '''imbensiyon''' o '''imbento''' (Ingles: ''invention'') ay isang natatangi o bagong [[makina]], [[aparato]], [[komposisyon]], o [[proseso]]. Ito ay maaaring isang bagong pagpapainam o pagpapabuti sa isang makina o produkto, o isang bagong proseso para sa paglikha ng isang bagay o isang resulta. Ang isang imbensiyon na nagkakamit ng isang talagang natatanging tungkulin o resulta ay maaaring maging isang malaki o lubos na pambihirang tagumpay. Ang ganiyang mga akda ay [[novelty (patente)|bagong bagay]] at [[inventive step and non-obviousness|maimbentong hakbang at hindi lantad]] sa [[person skilled in the art|ibang mga tao na mayroong kasanayan sa iisang larangan]]. Ang salitang imbensiyon ay maaaring maging katumbas o may kaugnayan sa mga salitang [[likha]], [[katha]], at [[bungang-isip]].
 
Ang ilang mga imbensiyon ay maaaring maipatente. Ang isang [[patente]] ay makabatas na nagbibigay ng pruteksiyon sa mga karapatang na pampag-aaring intelektuwal o pang-isipan ng imbentor at legal na kumikilala na ang isang inangking imbensiyon ay talagang isang imbensiyon. Ang mga patakaran at mga kailangan para sa pagpapatente ng isang imbensiyon ay nag-iiba-iba sa bawat isang bansa, at ang proseso ng pagkuha ng isang patente ay madalas na magastos.
166,389

edits

Menu ng paglilibot