Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Konsilyo ng Chalcedon"

Jump to navigation Jump to search
walang buod ng pagbabago
 
topics=Ang hatol na inisyu sa [[Ikalawang Konsilyo ng Efeso]](449 CE), ang mga inaakusang paglabag ng Obispong si [[Dioscorus ng Alexandria]], ang depinisyon ng Pagkadiyos at pagkatao ni Kristo, maraming mga alitan na kinasasangkutan ng mga obispo at mga sede|
documents=[[Kredong Chalcedonian Creed]], 28 kanon}}
[[File:Четвертый Вселенский Собор.jpg|thumb|Konsilyo ng Chalcedon]]
Ang '''Konsilyo ng Chalcedon''' ang konsilyong idinaos mula Oktubre 8 hanggang Nobyembre 1, 451 CE sa [[Chalcedon]] na isang siyudad sa [[Bithynia]] sa [[Asya menor]]. Ang konsilyong ito ay kinikilala na '''Ikaapat na Konsilyong Ekumenikal''' ng [[Silangang Ortodokso]], [[Simbahang Katoliko Romano]](kabilang ang mga [[Silanganing simbahang Katoliko]]), [[Lumang Katoliko]] at iba't iba pang mga pangkat Kristiyano sa Kanluran. Ang konsilyong ito ay itinuturing ng mga Simbahang Katoliko Romano at Silangang Ortodokso(sa panahong ito ay iisang Simbahan) na [[inpalible]] sa mga depinisyong [[dogma]]tiko nito. Ang karamihan rin ng mga [[Protestante]] ay tumuturing sa konsepto ng [[Trinidad]] at Pagkakatawang-tao na inilarawan sa [[Unang Konsilyo ng Nicaea]](325 CE) at Chalcedon na doktrinang ''ortodokso'' na kanilang pinaniniwalaan. Gayunpaman, ang konsilyong ito ay itinatakwil ng ilang mga sinaunang Simbahang Silanganin kabilang ang [[Oriental Ortodokso]] ng Ehipto, Syria at Armenia at ang [[Simbahang Assyrian ng Silangan]]. Ang [[Oriental Ortodokso]] ay nagtuturo ng ang pagkadiyos at pagkatao ni Kristo ay pinagkakaisa sa ''isang kalikasan''. Ito ay maling nirepresenta bilang isang pagtanggi sa kanyang tunay na pagkatao at ginamit upang siraan bilang [[erehiya]]ng [[monopisismo]] bagaman ang mga neutral na terminong [[miapisismo]] ang malawakang tinatanggap ng mga hindi-Chalcedoniano. Ang konsilyong ito ay humantong sa pakikipaghiwalay ng mga ''hindi-Chaledonianong'' [[Ortodoksong Oriental]] mula sa mga ''Chalcedoniano'' noong ika-5 siglo CE.<ref>''The acts of the Council of Chalcedon'' by Council of Chalcedon, Richard Price, Michael Gaddis 2006 ISBN 0-85323-039-0 pages 1–5 [http://books.google.com/books?id=6IUaOOT1G3UC&pg=PA94&dq=Chalcedon+catholic+anglican+eastern&hl=en&ei=ql_gTMj_Lon5sgafnez6Cw&sa=X&oi=book_result&ct=result&resnum=9&ved=0CFUQ6AEwCA#v=onepage&q&f=false]</ref> Ito ang huling konsilyo na itinuturing ng mga [[Anglikano]] at [[Protestante]] na [[ekumenikal]].<ref name=Armentrout >''An Episcopal dictionary of the church'' by Donald S. Armentrout, Robert Boak Slocum 2005 ISBN 0-89869-211-3 page 81 [http://books.google.com/books?id=y_RpbmWNfHcC&pg=PA81&dq=Chalcedon+catholic+anglican+eastern&hl=en&ei=ql_gTMj_Lon5sgafnez6Cw&sa=X&oi=book_result&ct=result&resnum=1&ved=0CCgQ6AEwAA#v=onepage&q=Chalcedon%20catholic%20anglican%20eastern&f=false]</ref> Ang Konsilyo ng Chalcedon ay tinipon ni [[Emperador Marcian]] na may pag-aatubiling pagpayag ni Papa [[Dakilang Leo]] upang itabi ang [[Ikalawang Konsilyo ng Efeso]](449 CE) na mas kilala bilang "[[latrocinium]]". Binuo ng Konsilyong ito ang ''Depnisyong Chalcedonian'' na nagtatakwil ng doktrinang ang pagkaDiyos at pagkatao ni Hesus ay nagkakaisa sa ''isang kalikasan''(physis) na hindi mahihiwalay ng mga ''hindi-Chalcedoniano''. Ang depinisyong Chalcedoniano ay nagsasaad na si Kristo ay may ''dalawang mga kalikasan''(physis) sa isang persona at [[hypostasis]]. Ang konsilyong ito ay bumuo rin ng 27 pangdisiplinang kanon na nangangasiwa sa administrasyon at autoridad ng simbahan. Sa isang karagdagang atas na kalaunang nakilala na kanon 28, idineklara ng mga obispo na ang [[Sede ng Constantinople]](Bagong Roma) ay katumbas sa karangalan at autoridad sa Roma.
 
1

edit

Nav menu