Pumunta sa nilalaman

Sistemang nerbiyos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nervous system)
Ang sistemang nerbiyos ng tao.

Ang sistemang nerbiyos ng isang hayop ang nagsasabi ng mga aktibidad ng mga muskulo, minamasid ang mga organo, binubuo at pinoproseso ang mga nakuhang impormasyon mula sa mga pandamdam, at sinisumlan ang mga aksiyon. (tignan Sentro ng Sistemang Nerbiyos).

Sa mga hayop na may utak, nagbubunga ang sistemang nerbiyos ng mga emosyon at isipan. Sa gayon, ito ang sistema na nagpapagalaw sa mga hayop (maliban sa mga espongha).

Istruktura ng Sistemang Nerbiyos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sistemang nerbiyos ay isang komplikado at organisadong network ng mga bilyon bilyong mga neyurons (neurons) at mga neyuroglia (neuroglia). Kabilang sa sistemang ito ang utak, ugat-kreyniyal (cranial nerves), mga sanga nito, ang kordong espinal, ugat-ispaynal (spinal nerves) at ang mga sanga nito, gangliya (ganglia), enteric plexuses, at reseptors na pandamdam (sensory receptors).

Ang bungo ang siyang nagpapaloob at prumoprotekta sa utak; ito rin ang siyang nag tataglay ng mahigit kumulang na isang daang bilyong neyurons.

Dalawag pares nito, ang kaliwa at kanang pares, ay markado sa bing 1 hanggang ikapito. Ito ay naguugat mula sa pundasyon o base ng utak.

Ang mga nerves o ugat naman ay ang mga kumpol ng makailang daang libong aksons (axons) kasama ng mga kaugnay na tisyung pandugtong o konektib tisyu (connective tissue) at mga vessels ng dugo na nakahiga sa labas ng utak ang ng kurdong ispaynal. Ang bawat ugat nito ay sumusunod sa espisipikong dugtungan at nagsisilbing rehiyon ng katawan. Halimbawa, ang kanang ugat-kreyniyal bilang isa, ay siyang nagdadala ng signos o hudyat ng pang-amoy na sensorya mula sa kanang bahagi ng ilong patungo sa utak.

Ang kurdong ispaynal naman ang siyang nag kokonekta sa utak mula sa malaking butas, o magnum foramen ng bungo at pinapaikutan ng mga buto sa vertebral columns.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.