Hindi nagkokodigong DNA
Sa henetika, ang hindi nagkokodigong DNA (Ingles: noncoding DNA) ay naglalarawan ng mga bahagi ng sekwensiyang DNA ng isang organismo na hindi nagkokodigo(encode) sa mga sekwensiyang protina. Sa maraming mga eukaryote, ang malaking persentahe ng kabuuang sukat ng genome ng isang organismo ay hindi nagkokodigong DNA bagaman ang halaga ng hindi nagkokodigong DNA at ang bahagi ng nagkokodigo at hindi-nagkokodigong DNA ay labis na iba iba sa pagitan ng mga espesye. Karamihan sa DNA na ito ay walang alam na tungkuling biolohikal at minsang tinutukoy bilang "basurang DNA"(junk DNA). Gayunpaman, maraming mga uri ng hindi nagkokodigong mga sekwensiya ng DNA ay may alam na mga tungkuling biolohikal kabilang ang regulasyong trankripsiyonal at pagsasalin ng mga nagkokodigo ng protinang sekwensiya. Ang ibang mga hindi-nagkokodigong sekwensiya ay malamang na may hindi pa natutukoy na mga tungkulin. Ito ay nahinuha(inferred) sa mataas na mga lebel ng homolohiya at konserbasyong nakikita sa mga sekwensiya na hindi nagkokodigo ng mga protina ngunit lumilitaw na nasa ilalim ng mabigat na presyur na selektibo. Bagaman ito ay nagpapakita na ang hindi-nagkokodigong DNA ay hindi dapat basta tawaging "basurang DNA", ang kawalan ng konserbasyong sekwensiya sa karamihan ng mga hindi-nagkokodigong DNA na walang alam na tungkulin ay nagpapakita na karamihan sa mga ito ay wala talagang silbi o tungkulin.