Pumunta sa nilalaman

Mga orakulong sibilino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Orakulong sibilina)
c. 1616-17 depiction of a Sibyl by Domenichino

Ang Mga orakulong sibilino o Sibylline Oracles (na minsang tinatatawag na mga "pseudo-Sibylline Oracles") ay isang kalipunan ng mga pahayag na orakular na isinulat sa mga Griyegong heksametro na itinuturo sa mga sibyl na mga propetisa na naghayag ng mga pahayag ng mga diyos sa estadong kabaliwan. Ang 14 at 8 mga pragmento nito ay nakaligtas. Ito ay hindi itinuturing na katulad ng orihinal na Mga Aklat na Sibilino ng Mitolohiyang Romano na nawala. Ang mga orakulong sibilino ay isinulat o binago sa ilalim ng iba't ibang mga sirkunstansiya sa pagitan ng marhial na gitna ng ika-2 BCE at ika-5 BCE. Ang mga orakulong sibilino ay mahalagang sanggunian para sa impormasyon tungkol sa mitolohiyang klasiko at mga paniniwalang Gnostiko, Hudyong Helenistiko at Kristiyano. Ang mga talatang apokaliptiko na nagkalat dito ay tila bumabalangkas sa mga tema ng Aklat ng Pahayag at iba pang mga panitikang apokaliptiko. Ang isang talata ay may isang akrostiko na nagbabaybay ng isang kodigong pariralang Kristiyano na may mga unang titik ng mga magkakasunod na linya.