Pumunta sa nilalaman

Pagkabalisa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagkabahala)

Ang Pagkabalisa (Ingles: anxiety), nakikilala rin bilang pagkaligalig (Ingles: angst) at pag-aalala (Ingles: worry), ay isang katayuang pangsikolohiya at kalagayang pangpisyolohiya na kinatatangian ng mga bahaging somatiko, pang-emosyon, kognitibo, at pang-asal.[1] Isa itong hindi kaaya-ayang damdamin ng pagkatakot at pag-aalintana.[2] Mayroon man o walang kaguluhan o kaligaligan ng isipan, ang pagkabalisa ay maaaring lumikha ng mga damdamin ng takot, pag-aalala, hindi mapalagay, at sindak.[3] Ang pagkabalisa ay itinuturing na siang normal na reaksiyon o tugon sa isang bagay na nakapagpapaligalig. Maaaring makatulong ang kalagayang ito sa isang indibiduwal na mapangasiwaan ang isang mabigat na sitwasyon na kailangan ng pagtuon ng pansin, sa pamamagitan ng udyukin silang labanan at mabigyan ng angkop na kasagutan o solusyon ang sitwasyong kinalalagyan nila. Kapag naging labis ang pagkabalisa, maaari itong malagay sa klasipikasyon ng isang diperensiya ng pagkabalisa.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Seligman, M.E.P., Walker, E.F. & Rosenhan, D.L..Abnormal psychology, (ika-4 na edisyon) New York: W.W. Norton & Company, Inc.
  2. Davison, Gerald C. (2008). Abnormal Psychology. Toronto: Veronica Visentin. pp. 154. ISBN 978-0-470-84072-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bouras, N. at Holt, G. (2007). Psychiatric and Behavioural Disorders in Intellectual and Developmental Disabilities, ika-2 edisyon, Cambridge University Press: UK.
  4. National Institute of Mental Health, nakuha noong Setyembre 3, 2008.