Pagkakabuhol na quantum
Ang Pagkakabuhol na quantum(Quantum entanglement) ay nangyayari kung ang mga elektron, molekula na kahit kasinglaki ng mga buckyball, poton etc., ay pisikal na nag-uugnayan(interact) at naging magkahiwalay. Ang uri ng interaksiyon ay sa paraang ang bawat nagreresultang miyembro ng pares ay angkop na inilalarawan ng parehong kwantum mekanikal na deskripsiyon(estado) na walang hanggan(indefinite) ayon sa mga mahalagang paktor gaya ng posisyon, momentum, ikot(spin), polarisasyon etc. Ayon sa interpretasyong Copenhagen ng mekaniks na kwantum, ang pinagsasaluhang estado ng magkabuhol na pares na ito ay walang hanggan(indefinite) hanggang sa masukat. Ang pagkakabuhol na quantum ay isang anyo ng superposisyong kwantum. Kung ang pagsukat ay ginawa sa pares na ito at ito ay nagdulot sa isang miyembro ng pares na ito na kumuha ng isang tiyak na halaga gaya halimbawa ng pakanan-ng-oras na ikot (clockwise spin), ang natirang miyembro ng pares na ito ay matutuklasan na kalaunang kumuha ng komplementaryong halaga gaya halimbawa ng pakaliwang-oras na ikot(counterclockwise spin). Samakatuwid, merong korelasyon sa pagitan ng mga resulta ng pagsukat na ginagawa sa isang magkabuhol na pares at ito'y nangyayari kahit ang pares na ito ay naging magkahiwalay sa arbitraryong malalaking distansiya.