Pang-aapi sa Internet
Ang pang-aapi sa Internet o "cyber-bullying" ay ang paggamit ng Internet at iba pang kaugnay na teknolohiya para sadya at paulit-ulit na makasakit ng kapwa tao. Dahil sa patuloy na paglaganap nito, lalo na sa mga kabataan, nagsusulong na ng mga batas at kampanya upang ito’y matigil na.
Kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang katawagang "cyber-bullying" sa Ingles ay nilikha at binigyang kahulugan ni Bill Besev bilang “paggamit ng teknolohiyang pang-impormasyon at pangkomunikasyon para suportahan ang sinasadya at paulit ulit na mapanirang pamamaraan ng isang indibidwal o grupo upang makasakit ng tao.”
Kinalaunan, ang cyber-bullying ay tinuring na “kapag ginagamit ang Internet, teleponong selular at iba pa sa paghahatid ng mensahe o mga larawan na naglalayong manakit o magpahiya ng kapwa”. Ang ilan sa mga mananaliksik ay ginamit ang parehong lenggwahe upang ipaliwanag ang nasabing katawagan.
Ang pang-aapi sa Internet ay ang patuloy na pagpapadala ng mensahe sa isang tao na nagsasabing hindi nila kilala kung sino ang nasa likod nito na may kasamang pagbabanta, seksuwal na nilalaman, nakakainsultong pananalita, panghahamak at pagpapahatid ng mga maling pahayag na nagdudulot ng pagkawala ng kahihiyan ng isang tao.
Ang mga bata ay nagsisimula ng maging malupit sa isa’t isa kapag nasa Internet sila, kahit nasa ikalawang baitang pa lamang. Ayon sa pananaliksik, mas maagang nagpakita nito ang mga batang lalaki kaysa sa mga batang babae. Ngunit pagtapak sa kalagitnaang baitang, ang mga batang babae naman ang karaniwang gumagawa ng pang-aapi. Mapa-lalaki man o babae ang nang-aapi (bully), ang layunin nila ay intensiyonal na magpahiya, guluhin, mang-insulto at magbanta sa isa’t isa. Ang pagbubuling ito ay nagaganap sa pamamagitan ng elektronikong liham, mabilisang pagmemensahe (texting), at ang pagpapaskil ng mga sulatin sa mga blog at websayt.
Pagkakaiba ng cyber-bullying at cyber-stalking
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kagawian sa cyber-bullying ay hindi lamang limitado sa mga bata, habang ang mga pag-uugali ay nakikilala sa parehong kahulugan sa mga matatanda, ang pagkakaiba sa grupo ng edad ay minsang tinatawag bilang cyber-stalking o cyber-harrasment, kapag sinasagawa sa kapwa matanda at minsan ding inaayon sa kasarian. Ang mga karaniwang taktikang ginagamit ng mga cyber-stalker ay tampalasin ang isang search engine o ensiklopedya, upang takutin ang biktima, kanyang trabaho, reputasyon, o kaligtasan. Ang paulit-ulit na kaganapan ng mga nasabing aksiyon laban sa target ng isang matanda ay masasabing isang cyber-stalking.
Pananaliksik
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2008, panahon ng tag-init, ang mga mananaliksik na sina Sameer Hinduja (Florida Atlantic University) at Justin Patchin (University of Wisconsin-Eau Claire) ay naglathala ng isang libro na nagbubuod sa kasalukuyang estado ng mga pag-aaral tungkol sa cyber-bullying. (Bullying Beyond the Schoolyard: Preventing and Responding to Cyberbullying). Ang mga dokumento ng kanilang pagsasaliksik ay nagpapakita ng pagtaas ng kaso ng cyber-bullying sa mga nakaraang taon. Nag-ulat din sila sa kanilang mga natuklasan mula sa pinakahuling pag-aaral ng cyber-bullying sa mga estudyante ng kalagitnaang baitang. Gamit ang random sample na mahigit kumulang 2,000 estudyante mula sa isang malaking distrito ng paaralan sa Southern United States, halos 10% sa mga tumugon ay sinabing naranasan nila ang cyber-bullying sa mga nakaraang 30 araw, samantalang mahigit 17% ay nakaranas na minsan sa kanilang buhay. Ang mga ito ay nagpakita ng bahagyang pagbaba mula sa mga nakaraang pag-aaral. Ngunit ayon kina Hinduja at Patchin, ang mga naunang pagsasaliksik ay isinagawa kung saan marami ang nakatatanda. Kaya masasabing ang mga matanda ay mas madalas gumamit ng Internet at mas maaaring makaranas ng cyber-bullying kaysa sa mga bata.
Paghahambing sa tradisyunal na pangbubuli
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ilang mga katangian na likas sa mga online na teknolohiya ay maaari itong samantalahin para gamitin sa mga di kaaya-ayang layunin. Hindi tulad ng pisikal na pangbubuli, ang mga electronic bully ay mananatiling di kilala sa paggamit ng mga pansamantalang email accounts, sagisag-panulat sa mga chat room, instant messaging programs, cell phone text messaging at iba pang lugar sa Internet na maitatago nila ang kanilang pagkakakilanlan, ito marahil ang nagbibigay sa kanila ng kalayaan sa normatibo at mga panlipunang hadlang sa kanilang pag-uugali.
Bukod pa rito, ang mga 'everything nice ay karaniwang walang gabay. Habang ang mga chat host ay palagiang inoobserbahan ang ibang dayalogo sa mga chat room, sa pagsisikap sa mga pag-uusap ng pulis at ng nakasakit na indibidwal, ang mga personal na mensahe (e-mail o text message) ay maaari lamang mabasa ng nagpadala at tumanggap, kaya’t ito ay labas sa abot ng regulasyon ng mga awtoridad. At kapag ang mga tinedyer ay mas maraming nalalaman sa mga kompyuter at cell phone, kaya nilang gamitin ito ng walang pahintulot sa kanilang mga magulang para hindi malaman ang kanilang karanasan sa pangbubuli (siya man ay biktima o ang nakasakit).
Ang isa pang kadahilanan ay ang kawalan ng kayang paghiwalayin ang isang cell phone mula sa may-ari nito, kaya nagagawang patuloy na biktimahin ang isang tao. Ang mga gumagamit ay madalas na kailangan i-on ang kanilang mga telepono para sa lehitimong mga layunin, na kung saan ay nagbibigay ito ng pagkakataon para sa mga may masamang intensiyon na patuloy na gumawa ng mga di maganda tulad ng manggulo sa mga tawag sa telepono o manakot at mang-insulto sa pamamagitan ng mga kakayahan ng cell phone text messaging.
Bukod pa rito, ang mga buli ay kayang kayang pagtulungan ang biktima sa electronic pages kaysa sa tradisyunal na pangbubuli dahil wala namang limitadong bilang ng taong maaaring sumali at suportahan ang mga pangbubuling pahayag.
Isang posibleng kabutihan naman sa mga biktima ng cyber-bullying kaysa sa tradisyunal na pangbubuli ay maaari nilang iwasan ang chat room. Ang mga e-mail address at numero ng telepono ay pwedeng palitan; at isa pa ay mayroon ng mga serbisyo sa e-mail na salain ang mga mensahe bago pa ito makarating sa tatanggap. Gayunpaman, hindi nito kayang iwasan ang lahat ng anyo ng cyber-bullying; ang paghahayag ng mga mapanirang-puring materyal tungkol sa isang tao sa Internet ay napakahirap iwasan lalo na kung ito’y nailathala na, milyun-milyong tao na ang maaaring nakapagdownload nito bago pa ito matanggal. Ang mga gumagawa nito ay maaaring makapagpost ng mga litrato ng biktima at ng mga inedit katulad ng paglalagay ng mukha nila sa isang katawang nakahubad.
Sa midya at kulturang popular
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Adina's Deck— isang pelikula tungkol sa tatlong estudyante ng ikawalong baitang na nagtulungan para sa kaibigan nilang nabuli
- Let's Fight It Together— pelikulang ginawa ng Childnet International na ginagamit sa mga eskwelahan para suportahan ang mga diskusyon at kamalayan sa cyber-bullying
- Odd Girl Out— pelikulang tungkol sa isang babaeng binuli sa eskwelahan at online
- At a Distance— maikling pelikulang ginawa ng NetSafe para sa 8-12 taong gulang na manunuod. Ito ay nagtuon sa mga uri at epekto ng cyber-bullying at ang kahalagahan ng mga tambay
- Cyberbully (pelikula)— ipinalabas sa telebisyon noong 17 Hulyo 2011 sa ABC Family. Katulad ng pelikulang Odd Girl Out, inilarawan din nito ang isang babaeng binuli sa eskwelahan at online
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Cyberbullying.org – Kasama ang unang pormal na kahulugan ng cyberbullying ni Bill Belsey. Nakuha noong 6 Hulyo 2011.
- National Crime Prevention Council. Ncpc.org. Nakuha noong 6 Hulyo 2011.
- Bullying Beyond the Schoolyard: Preventing and Responding to Cyberbullying, nina J.W. Patchin at S. Hinuja; Sage Publications, (Corwin Press, 2009)
- Patchin, J. W. & Hinduja, S. (2006). Bullies move beyond the schoolyard: A preliminary look at cyberbullying Youth Violence and Juvenile Justice, 4(2), 148–169.
- Cyber-bullying defies traditional stereotype: Girls are more likely than boys to engage in this new trend, 1 Setyembre 2010
- Hinduja, S.; Patchin, J. W. (2009). Bullying beyond the schoolyard: Preventing and responding to cyberbullying. Thousand Oaks, CA: Corwin Press.ISBN 1412966892.
- Hinduja, S. & Patchin, J. W. (2008). Cyberbullying: An Exploratory Analysis of Factors Related to Offending and Victimization. Deviant Behavior, 29(2), 129–156.
- Hinduja, S. & Patchin, J. W. (2007). Offline Consequences of Online Victimization: School Violence and Delinquency. Journal of School Violence, 6(3), 89–112
- NCPC.org. NCPC.org. Nakuha noong 6 Hulyo 2011.
- ABCnews.co.com. Abcnews.go.com. Nakuha noong 6 Hulyo 2011.
- Isafe.org. Isafe.org. Nakuha noong 6 Hulyo 2011.
- Beating the cyberbullies; Targets of taunting need help turning the tables on tormentors, All Business, Cynthia G. Wagner, Sept 1, 2008