Panglagalag ng Misyong Panggagalugad sa Marte
Ang Pangpanggagalugad na Panglagalag sa Marte (Ingles: Mars Exploration Rover, MER) ay isang robot na bahagi ng kasalukuyang isinasagawang robotikong misyong pangkalawakan ng NASA sa planetang Marte, na nagsimula noong 2003 sa pamamagitan ng pagpapadala ng dalawang mga panglagalag o rover: ang MER-A na Spirit ("Espiritu") at ang MER-B Opportunity ("Pagkakataon"), upang magsagawa ng eksplorasyon sa kapatagan at heolohiya ng Marte.
Isa sa pangunahing mga layuning pang-agham ng misyon ang maghanap, ilarawan, at suriin ang malawak na sakop ng uri ng mga bato at lupang naghahawak ng mga kasagutan sa dating galaw ng tuwig sa ibabaw ng Marte. Bahagi ang misyon ng Programang Pangpanggagalugad sa Marte ng NASA, na kinabibilangan ng tatlong nakalipas na matatagumpay na mga panlapag o mga lander: ang dalawang mga panlapag Viking noong 1976 at ang Pathfinder (literal na "Tagahanap ng Daan") noong 1997.
Umaabot sa $820 mga milyon ang kabuuang halaga ng gastusin sa pagbubuo, pagpapadala, pagpapalapag, at pagpapaandar ng mga panglagalag sa ibabaw ng kalatagan ng Marte para sa unang 90 araw ng paunang misyon.[1] Dahil nagpatuloy ang paggalaw ng mga panglagalag sa loob ng limang mga taon, pagkaraan ng kanilang paglapag sa Marte, tumanggap sila ng limang pagdurugtong sa misyon. Itinalaga ang ang ikalimang dugtong na panahon para sa misyon noong Oktubre 2007, na magwawakas sa 2009.[1][2] Ang kabuuang gugulin para sa unang apat na dugtong sa misyon ay $104 mga milyon at tinatayang aabot sa $20 mga milyon ang ikalimang pagdurugtong ng panahong pangmisyon.[1] Noong Hulyo 2007, hinadlangan ng mga bagyo ng alikabok sa Marte ang liwanag ng araw na kailangan ng mga panlagalag at naging panganib para sa kakayanan ng aparato upang makapag-ipon ng enerhiya para sa kanilang mga panel na solar, na nagsanhi ng takot sa mga inhinyerong maaaring isa sa mga panglagalag ang maging pamalagiang mawalan na ng kakayanang gumalaw. Subalit nawala ang mga bagyo ng alikabok, na nagpahintulot ng muling pagsasagawa ng mga operasyon.[3]
Sa pagkilala sa malaking bilang ng pang-agham na kabatiran mula sa misyong ito, na dahil sa mga nagawa ng mga panglagalag, dalawang mga asteroyd ang pinangalanan para sa kanila bilang pagbibigay ng parangal sa kanila: ang 37452 Spirit at ang 39382 Opportunity.
Pinamamahalaan ng Jet Propulsion Laboratory ang misyong ito para sa NASA. Ang Jet Propulsion Laboratory ang nagdisenyo, bumuo, at ang nagpapaandar sa mga panglagalag.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "NASA extends Mars rovers' mission". MSNBC. 2007-10-16. Nakuha noong 2009-04-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mars Exploration Rover Mission: Press Releases
- ↑ "Mars Exploration Rover Status Report: Rovers Resume Driving". nasa.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-02. Nakuha noong Setyembre 3.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong); Unknown parameter|accessyear=
ignored (|access-date=
suggested) (tulong)