Panthalassa
Itsura
(Idinirekta mula sa Panthalassiko)
Ang Panthalassa (Sinaunang Griyegong παν ("lahat") + θάλασσα ("karagatan")) na kilala rin bilang Panthalassic Ocean ang isang malawak na pandaigdigan karagatan na pumalibot sa superkontinenteng Pangaea noong panahong Huling Paleozoic at Simulang Mesosoiko. Ito ay kinabibilangan ng Karagatang Pasipiko sa kanluran at hilaga at ang Karagatang Tethys sa timog silangan. Ito ay naging Karagatang Pasipiko pagkatapos ng pagsasara ng basin na Tethys at ang paghahati ng Pangaea na lumikha ng Karagatang Atlantiko, Karagatang Arktiko at Karagatang Indiyan. Ang Panthalassiko ay kadalasang tinatawag na Paleo-Pacific ("old Pacific") dahil ang Karagatang Pasipiko ay umunlad mula rito sa Mesosoiko hanggang sa kasalukuyan.