Pumunta sa nilalaman

Paragis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Paragis
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Klado: Commelinids
Orden: Poales
Pamilya: Poaceae
Sari: Eleusine
Espesye:
E. indica
Pangalang binomial
Eleusine indica

Ang paragis o damong ligaw (Eleusine indica) ay isang espesye ng damo na may taas na 10 sentimetro hanggang isang metro. Ang mga dahon ng paragis ay may habang 10 hanggang 30 sentimetro at 3 hanggang 7 milimetro ang lapad. Madaling makilala ang paragis sa kakaibang itsura nito, na animo'y hugis araw, ang mga dahon ay mistulang mga sinag.

Madali itong makukuha sa mga lugar na maraming damo, kadalasan ay sa mga pampang ng batis o ilog, gilid ng kalsada at kahit na sa mga lugar na tinitirahan ng mga tao. Ang paragis ay tumutubo sa Asya at Aprika. Itinuring minsan itong peste sa ibang mga lugar. Sinasabing nakakagamot ng mga sakit ang paragis tulad ng diabetes at mayoma.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "'KMJS,' tinalakay ang mga kwento tungkol sa damong 'Paragis' na nakagagamot daw ng mga sakit". GMA News. Setyembre 4, 2017. Nakuha noong Pebrero 15, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)