Pumunta sa nilalaman

Australian Greens

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Partido ng mga Luntian)

Ang Australian Greens (lit. na 'Mga Luntiang Australiyano'), karaniwang tinutukoy bilang the Greens (lit. na 'ang mga Luntian'), ay isang kompederasyon ng mga estado at teritoryong Luntian na mga partidong pampolitka sa Australya.[1] Ayon noong halalang pederal ng 2022, ang mga Luntian ang ikatlong pinakamalaking partidong pampolitika sa Australya ayon sa boto at ikaapat na pinakamalaki ayon sa kinatawang hinalal. Si Adam Bandt ang pinuno ng partido, kasama si Mehreen Faruqi bilang pinunong diputado. Si Larissa Waters ang kasalukuyang humahawak ng gampaning pinuno ng Senado.[2]

Nabuo ang partido noong 1992 bilang isang kompederasyon ng walong partidong pang-estado at pang-teritoryo. Noong mga unang taon, naitaguyod ang partido sa personalidad ng kilalang-kilala politiko sa Tasmania na si Bob Brown, bago pinalawak ang representasyon nito sa kabuuan noong unang bahagi ng ika-21 dantaon. Binabanggit ng partido ang apat na pangunahing pinapahalagaan bilang ideolohiya nito, at ito ang pagpapanatiling pang-ekolohiya, katarungang panlipunan, demokrasyang pang-masa, at kapayapaan at walang karahasan.[3] Mababakas ang pinagmulan ng partido sa maagang kilusang pangkapaligiran sa Australya, ang kontrobersiya sa Franklin Dam, ang mga pagbabawal sa Luntian (o Green ban), at ang kilusan ng pag-aalis ng sandatang nukleyar. Nagsimula ang partido sa United Tasmania Group (lit. na 'Nagkakaisang Pangkat sa Tasmania'), isa sa unang mga partidong luntian sa mundo.[4]

Kasunod ng halalang pederal ng Australya noong 2022, mayroon ang Mga Luntiang Australiyano ng labing-dalawang senador at apat na kasapi sa mababang kapulungan, at simula noong 2020, mayroon itong higit sa 15,000 kasapi ng partido.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. McCann, Joy. "Balancing act: the Australian Greens 2008–2011". Australian Parliamentary Library (sa wikang Ingles). The Australian Greens is not a single national party, but rather comprises a confederation of eight autonomous state and territory parties that subscribe to a common philosophy and set of principles outlined in the Australian Greens Charter and National Constitution.
  2. "I thank my colleagues for their strong and continued support. After our best election result ever, I am very excited to be the Leader of an expanded Greens Party Room & leadership team as we fight for action on climate and inequality". Twitter (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The Australian Greens Party". The Monthly. 2 Pebrero 2012. Nakuha noong 11 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "About Us" (sa wikang Ingles). Global Greens. 20 Abril 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Pebrero 2016. Nakuha noong 19 Disyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Harris, Rob (22 Abril 2020). "Old Greens wounds reopen as members vote on directly electing leader". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Abril 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)