Pumunta sa nilalaman

Patubo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Patong)

Ang interest o patong ay isang bayad sa mga hiniram na assets. Ito ay ang presyo para sa paggamit nang utang, o ang pera na nalikom nang pera na idineposito. Ang mga assets na inilaan na may patong ay kabilang ang pera, shares, consumer goods sa paraan nang hire purchases, major assets tulad nang mga eroplano, at kabilang narin ang mga pabrika na naka finance lease. Ang patong ay kinakalkula ukol sa halaga nang assets sa parehong kaparaanan tulad nang pera.

Ang patong ay makikitaan natin bilang isang “renta ng pera”. Nangangahulugang isang kompensasyon na binayaran ng nanghiram sa nagpahiram nang pera. Kapag ang pera ay idineposite sa bangko, ang patong ay pangkaraniwang ibinabayad sa depositor bilang porsyento ng halagang inilaan sa bangko; kapag ang pera ay hiniram, ang patong ay pangkaraniwang ibinabayad sa nagpahiram bilang isang porsyento nang pera na inutang. Ang porsyento nang principal na ibinayad sa ilalim nang isang yunit nang panahon ay tinatawag na interest rate.

Ag interest ay isang kompensasyon sa nagpahiram para sa 1)peligro nang principal loss na tinatawag na credit risk; at 2)ang pagpapaliban nang ibang makabuluhang investments na maaaring nagamit nang ipinahiram na asset. Itong mga inverstment na na posibleng nangyari kung hindi ipinahiram ang pera ay tinatawag na opportunity cost. Sa halip na ang nagpahiram ang mismong gumamit ng assets, ito ay inandvance sa nanghiram. Doon ay ang nanghiram ang nagtamasa sa benefite nang halaga nang ipinahiram sa harap nang effort na kinakailangan para makuha ito, habang ang nagpahiram ay mayron ding benefit nang bayad sa kanya nang nanghiram para sa mga pribilehiyo. Sa ekonomiks, and interest ay ikinokonsider na presyo nang isang utang.

Simplen interes

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang simpleng interes ay kinakalkula sa principal amount lamang, o ang parte nang principal amount na natira na hindi nabayad.

Pagsasamang interes

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang compound interest naman ay halos kapareho nang simpleng interes; subalit sa paglipas nang panahon, ang diperensiya ay lumalaki. Ang diperensiya na ito ay dahil ang hindi nabayaran na interest ay idinadagdag sa normal na balanse.