Pumunta sa nilalaman

Instrumentong pinapalo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Percussion)
Isang napakalaking instrumentong tambol na pinatugtog ni Terry Bozzio

Ang isang instrumentong pinapalo o instrumentong perkusyon ay isang instrumentong pang-musika na pinapatugtog sa pamamagitan ng pagpalo o pagkayod ng isang pamalo kabilang ang nakakabit o kalakip na mga pamalo o pangkalantog na pinapalo o kinakayod o kinukuskos ng kamay o pinapalo sa iba pang katulad na instrumento. Hindi kasama ang soomusikolohikong instrumento at ang tinig ng tao, pinaniniwalaan ang mga pamilyang perkusyon na kabilang sa mga pinakamatandang instrumentong pang-musika.[1]

Pinakakaraniwang naglalaman ang seksyon ng perkusyon ng isang orkestra ng mga instrumento tulad ng timpani, tambol, pompyang, trianggulo at panderetas. Bagaman, maari din maglaman ang seksyon ng mga di-perkusyong instrumento, tulad ng silbato at sirena, o isang hinihipang kabibe. Maari din na ilapat ang mga kaparaanang perkusyon sa katawan ng tao mismo, tulad ng sa katawan na perkusyon. Sa isang banda, karaniwang hindi bahagi ng seksyon ng perkusyon ang mga intrumentong teklado, tulad ng celesta, subalit kabilang ang mga instrumentong perkusyong teklado tulad ng glockenspiel at xylophone (na walang teklado ng piyano).

Sa kahit anumang istilo ng musika, gumaganap ang perkusyon ng isang sentrong pagganap.[2]

Tinatawag na mga membranopono ang karamihan sa mga bagay na karaniwang kilala bilang mga tambol. Nakakagawa ng tunog ang mga membranopono kapag pinapalo ang ulo o membrana ng kamay, maso, patpat, pamalo o kagamitang ginawa agad.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The Oxford Companion to Music, 10th edition, p.775, ISBN 0-19-866212-2
  2. "Drums from around the World • Elephant Drums". Elephant Drums (sa wikang Ingles). 2019-03-13. Nakuha noong 2019-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gary D. Cook, Teaching Percussion, p.2, ika-3 edn, 2006, Thomson Schirmer, ISBN 0-534-50990-8 (sa Ingles)