Pumunta sa nilalaman

Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Philippine Statistics Authority)
Philippine Statistics Authority
Pangasiwaan ng Estadístika ng Pilipinas
Buod ng Ahensya
Pagkabuo12 Setyembre 2013 (2013-09-12)
UriEstadistika
Punong himpilanPSA Complex, East Avenue,
Diliman, Quezon City, Pilipinas
Tagapagpaganap ng ahensiya
  • Dennis Mapa, Ph.D., Undersecretary, National Statistician and Civil Registrar General
  • Rosalinda P. Bautista, Assistant Secretary, Deputy National Statistician for Sectoral Statistics Office
  • Minerva Eloisa P. Esquivias, OIC Deputy National Statistician for Census and Technical Coordination Office
  • Atty. Maqtahar L. Manulon, OIC Deputy National Statistician for Civil Registration and Central Support Office
  • Atty. Lourdines H. Dela Cruz, Assistant Secretary, Deputy National Statistician for Philippine Identification System – Registry Office
Websaytpsa.gov.ph
Talababa
Data collected are from the official website of the agency.

Ang Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas (Ingles: Philippine Statistics Authority) o PSA ay itinatag sa bisa ng Batas Republika Bilang 10625 na nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III noong Setyembre 12, 2013 bilang sangay ng pamahalaan ng Pilipinas na nagkokoordina ng mga patakaran sa larangan ng estadistika sa Pilipinas. Ito ay kalakip na ahensiya ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (Ingles: National Economic and Development Authority) o NEDA at pangunahing ahensiya ng pamahalaan na responsable sa mga senso at survey na ginagawa sa Pilipinas, estadistika ng iba't ibang sektor, pagsasama-sama ng mga piling sistema ng administratibong pagtatala at pagsasama-sama ng national accounts. Ang mga datos na ginagawa ng PSA ay itinuturing na opisyal na impormasyon ng pamahalaan ng Pilipinas. [1][2]

Pinapawalang-bisa ng Batas Republika Bilang 10625 ang Atas Tagapagpaganap Bilang 121.[1][3]

Bumubuo sa PSA

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang PSA ay binubuo ng Lupon (PSA Board) at mga tanggapan hinggil sa estadistika ng iba't ibang sektor, senso at koordinasyon na pang-teknikal, pang-sibil na rehistrasyon at suportang pang-sentral at pang-field ukol sa mga serbisyong pang-estadistika.[1]

Ang Lupon ng PSA ay ang pinakamataas na sangay ng pamahalaan na gumagawa ng mga patakaran hinggil sa larangan ng estadistika sa Pilipinas. Ito ay binubuo ng Director-General ng NEDA bilang Tagapangulo, National Statistician, isang kinatawan mula sa ibang departamento ng pamahalaang nasyonal, isang kinatawan mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, Punong Tagapagpaganap (Ingles: Executive Director) ng Philippine Statistical Research and Training Institute, isang kinatawan mula sa Philippine Statistical Association, isang kinatawan mula sa mga korporasyon na pag-aari at pinamamahalaan ng gobyerno (Ingles: Government-Owned and Controlled Corporations) o GOCCs, isang kinatawan mula sa Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at isang kinatawan mula sa pribadong sektor na hinirang ng Tagapangulo ng Lupon ng PSA mula sa listahan ng mga nominadong isinumite ng ibang miyembro ng Lupon.[1]

Mga tanggapan sa PSA

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May apat na pangunahing tanggapan ang PSA: Tanggapan ng Pambansang Estadistiko (Ingles: Office of the National Statistician), Tanggapan ng Pangalawang Pambansang Statistician (Ingles: Office of the Deputy National Statistician), Tanggapan ng Katulong ng Pambansang Estadistiko (Ingles: Office of the Assistant National Statisticians) at Tanggapan ng mga Field Statistical Services (Ingles: Field Statistical Services Office).[4] Ang mga ito ay binubuo ng mga dating kawani ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika (Ingles: National Statistics Office), Pambansang Lupon sa Pakikipag-ugnayang Pang-estadistika (Ingles: National Statistical Coordination Board), Kawanihan ng Estadistika sa Agrikultura (Ingles: Bureau of Agricultural Statistics) at Kawanihan ng Estadistika sa Paggawa at Empleo (Ingles: Bureau of Labor and Employment Statistics).[1]

Kapangyarihan ng PSA

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang PSA ay ang pangunahing responsable sa pagpapatupad ng mga layunin at nakasaad sa Batas Republika Bilang 10625 kasama na ang pagpaplano, pagsusulong, pag-aatas, pagpapalaganap at pagpapatupad ng mga patakaran, panuntunan at pagkoordina nga mga programang pang-pamahalaan hinggil sa paggawa ng mga opisyal na estadistika, estadistikang may pang-malawakang layunin at serbisyong pang-sibil na pagtatala. Ito rin ay ang pangunahing responsable sa lahat ng senso at survey na ginagawa sa Pilipinas, estadistika ng iba't ibang sektor, pagsasama-sama ng mga piling pang-administratibong sistema ng pagtatala at pagtitipon ng national accounts.[1][4]

Mga tungkulin ng PSA

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilan sa mga tungkulin ng PSA ay ang pagiging pangunahing may kapangyarihan sa pagkuha ng mga batayang datos pati na rin ang pagsasagawa ng mga senso hinggil sa populasyon, pabahay, agrikultura, pangisdaan, negosyo, industriya at iba pang sektor ng ekonomiya. Ito rin ang nangangalap, nag-aanalisa at nagpapalaganap ng mga estadistikang impormasyon tungkol sa ekonomiya, lipunan, at pang-pulitika na kalagayan ng mga Pilipino. Ang PSA rin ang nagpapatupad ng mga tungkulin hinggil sa pang-sibil na pagtatala sa Pilipinas na naaayon sa Batas Bilang 3753.[5] Ito rin ang gumagawa ng Philippine Statistical Development Program (PSDP).[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 "Republic Act No. 10625 - An Act Reorganizing the Philippine Statistical System, Repealing For The Purpose Executive Order Numbered One Hundred Twenty-One, Entitled "Reorganizing and Strengthening the Philippine Statistical System and for Other Purposes"". Official Gazette of the Philippines. Philippine government. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Agosto 2018. Nakuha noong 28 Oktubre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "About PSA". Official Website of Philippine Statistics Authority. Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 28 Oktubre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Executive Order No. 121 - Reorganizing and Strengthening the Philippine Statistical System and for Other Purposes". Chan Robles Virtual Law Library. Chan Robles. Nakuha noong 18 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 10625, Otherwise Known as The Philippine Statistical Act of 2013" (PDF). Official Website of Philippine Statistics Authority. Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 28 Oktubre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Act No. 3753 - Law on Registry of Civil Status". Official Website of Philippine Statistics Authority. Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 28 Oktubre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)