Phyllis Schlafly
Phyllis Schlafly | |
---|---|
Kapanganakan | Phyllis McAlpin Stewart 15 Agosto 1924 St. Louis, Missouri, U.S.[1] |
Kamatayan | 5 Setyembre 2016 Ladue, Missouri, U.S. | (edad 92)
Ibang pangalan | Phyllis Stewart Schlafly |
Nagtapos | Washington University Harvard University |
Partido | Republican |
Asawa | John Schlafly (deceased) |
Anak | Six, including Andrew |
Si Phyllis McAlpin Stewart Schlafly (ipinanganak noong Agosto 15, 1924; kung minsan ang kaniyang apelido ay binabaybay na Schafly[2]) ay isang Amerikanang abogadang pangkonstitusyon, aktibistang konserbatibo,[3] may-akda, at tagapagtatag ng Eagle Forum. Nakikilala siya dahil sa kaniyang matibay na konserbatismong panlipunan at pampulitika, sa kaniyang paglaban sa modernong peminismo (anti-peminismo), at sa kaniyang kampanya laban sa iminungkahing Equal Rights Amendment (Susog na Para sa Karapatan ng Pagkakapantay-pantay). Ang kaniyang aklat na siya mismo ang naglathala at pinamagatang A Choice, Not an Echo (Isang Pagpili, Hindi isang Alingawngaw) ay nalathala noong 1964 mula sa kaniyang tahanan sa Alton, Illinois, patawid sa Ilog ng Mississippi mula sa kaniyang bayang tinubuan na St. Louis. Binuo niya ang kumpanyang Pere Marquette Publishers. Naging kasama siyang awtor ng mga aklat hinggil sa pambansang pagtatanggol at naging napaka mapanuri ng mga kasunduang para sa pagkontrol ng armas na kaugnay ang Unyong Sobyet.[4]
Itinatag ni Schlafly ang Eagle Forum noong dekada ng 1970 at ang Eagle Forum Education & Legal Defense Fund ng St. Louis. Magmula noong 2013, nananatili siya bilang pangulo ng dalawang mga organisasyong nabanggit at nagpapanatili ng pagbibigay ng mga panayam. Magmula 1967, naglathala siya ng isang newsletter na pinamagatang Phyllis Schlafly Report.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Phyllis Schlafly profile". UXL Newsmakers. FindArticles.com. 2005. Nakuha noong Agosto 9, 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R116.
- ↑ Bobbie Johnson, technology correspondent (Marso 1, 2007). "Rightwing website challenges 'liberal bias' of Wikipedia | Technology | guardian.co.uk". Guardian. Nakuha noong Hunyo 2, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chip Berlet and Matthew N. Lyons. 2000. Right–Wing Populism in America: Too Close for Comfort. New York: Guilford Press, p. 202.