Punong pilohenetiko
Ang isang punong pilohenetiko o phylogenetic tree o evolutionary tree ay isang diagrama ng pagsasanga o isang puno na nagpapakita ng mga hinangong ugnayan o relasyong ebolusyonaryo ng mga iba ibang mga species batay sa kanilang mga pagkakatulad at pagkakaiba sa kanilang mga katangiang pisikal at/o mga katangiang henetiko. Ang taksa o taxa na magkasanib sa puno ay nagpapahiwatig na nagmula mula sa isang karaniwang ninuno. Sa isang may ugat na punong pilohenetiko, ang bawat nodo na may mga inapo ay kumakatawan sa hinangong pinakakaraniwang ninuno ng mga inapo at ang mga haba ng gilid sa ilang mga puno ay pinapakahulugang mga tinantiyang panahon. Ang bawat nodo ay tinatawag na unit na taksonomiko. Ang mga panloob na nodo ay pangkalahatang tinatawag na mga hipotetikal na unit na taksnomiko dahil hindi sila direktang mapagmamasdan. Ang mga puno ay magagamit sa mga larangan ng biyolohiya na biyoimpormatika, sistematika at komparatibong pilohenetika.