Pumunta sa nilalaman

Pagkapirmi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Piksasyon)

Ang pagkapirmi o piksasyon, mula sa Ingles na fixation, ay ang pagkabigo na malutas ang mga suliranin na kasangkot sa isang partikular na yugtong sikoseksuwal. Isa itong konsepto na pinasimulan ni Sigmund Freud (1905) upang tukuyin ang pananatili ng mga anakronistikong katangiang seksuwal.[1] Sa dakong huli, ang "pagkapirmi" ay nagkamit ng isang higit na malawak na konotasyon. Sa pag-unlad ng teoriya ng mga yugtong libidinal, ang kataga ay nagkaroon ng kahulugan na isang namamalaging pagkakakabit o pagkagiliw, hindi lamang sa tiyak na mga layuning instinktuwal ng isang partikular na kapanahunan, subalit sa halip ay sa buong kompleks ng sarili at ng relasyon ng bagay[2] noong panahong iyon.

Sa higit na pangkalahatan, sa larangan ng sikolohiya ng tao, ito ang katayuan kung kailan ang isang indibidwal ay nagiging nahuhumaling sa isang kinagigiliwang ibang tao, nilalang, o bagay: Isang matinding pagkakadikit o pagkahumaling sa isang tao o bagay, natatangi na ang pagkahumaling na nahubog noong kabataan o kamusmusan at lumilitaw sa ugaling hilaw (wala sa edad) o neurotiko na nagpapatuloy sa kabuoan ng buhay.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Salman Akhtar, Comprehensive Dictionary of Psychoanalysis (London 2009) p. 112
  2. Akhtar, p. 112
  3. Fixation