Por la razón o la fuerza
Ang "Por la razón o la fuerza" (Tagalog: Sa pamamagitan ng dahilan o puwersa) ay ang ensenya ng pambansang sagisag at opisyal na pambansang sawikain ng Republika ng Chile. Ang nasabing parirala ay nagsimula noong panahon ng pagtatag ng kalayaan ng Chile. Dahil sa kahulugan nito, ito ay itinuturing na isang modernong bersyon ng sawikain sa wikang Latin na aut consilio aut ense ("alinman sa payo o sa tabak").[1]
Ang ekspresyon ay ginawang opisyal noong 1920, ngunit ang kapanganakan nito ay nag-ugat sa pariralang sinamahan ng unang pambansang sagisag na dinisenyo ni José Miguel Carrera, ang isa sa mga tagapagtatag ng Chile.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil nagtataglay ito ng katulad na kahulugan, ang sawikain na "Por la razón o la fuerza" ay itinuturing na isang Espanyol na bersyon ng sawikaing Latin na aut consilio aut ense ("sa pamamagitan ng payo o sa tabak"), na nakaugnay sa pinagmulan ng pananaig ng batas.[1]
Ang pariralang aut consiliis aut ense ay nagmula sa sinaunang Roma at isang pagpapahayag ng klasikong dualismo ng kaalaman-kapangyarihan (consilium-auxilium; "payo"-"tulong"), na posibleng mahanap sa platonismong pag-iisip na binuo sa Europa sa panahong midyebal. Ang nasabing dualismo ay isang pagpapahayag ng pinakakilalang simbolo ng katarungan: ang timbangan (bilang isang pagpapahayag ng katwiran at batas) at ang tabak (na kumakatawan sa kapangyarihan at lakas).[1]
Ang nasabing sawikain sa wikang Latin ay kasama sa unang pambansang eskudo de armas, na nilikha noong 1812, sa panahon ng Patria Vieja (lumang tinubuang-bayan). Ang nasabing eskudo ay may inskripsiyon na Post tenebras lux ("Pagkatapos ng dilim, ang liwanag") na nakasulat sa bahaging itaas at Aut consilio aut ense ("Sa pamamagitan ng payo o sa tabak") sa bahaging ibaba. Ipinaliwanag ng Chilenong mananalaysay na si Sergio Villalobos na ang intensyon ng "mga makabayan" ay ipahiwatig na ang Chile ay sumusulong sa sarili nitong autonomistang pagkakakilanlan o kalayaan, sa pamamagitan ng dahilan o paggamit ng puwersa kung kinakailangan.
Sa paglipas ng mga taon, ang sawikaing Latin ay pinalitan ng kasalukuyang Por la razón, o la fuerza na ginagamit sa mga barya ng Chile mula noong 1818. Bilang halimbawa, ang mga pilak na barya na ginawa sa pagitan ng 1837 at 1852 (1/2, 1, 2 at 8 na reales) ay may nakatatak na pariralang "Por la razón o la fuerza" habang ang mga gintong barya na ginawa sa pagitan ng 1818 at 1834 (1, 2, 4 at 8 na mga escudo) ay may nakatatak na "Por la razón, o la fuerza". Dahil sa mga pinagmulan nito, ang kahulugan ng parirala ay hindi nauugnay sa isang karakter na nagpapasimuno ng digmaan. Sa halip, sinisikap nitong itatag ang kataasan ng katwiran sa kolektibong buhay (ang batas), gayunpaman, kung ito ay nilabag (ang batas ay nilabag), maaari itong maibalik sa pamamagitan ng paggamit ng lakas.
Ang kasalukuyang eskudo de armas ng Chile ay nagsimula noong 1834, ngunit sa orihinal nitong disenyo, na ginawa ng Briton na artista na si Charles Chatworthy Wood Taylor, hindi kasama ang sawikain. Gayunpaman, isinama sa iba't ibang bersyon ang sawikaing "Por la razón o la fuerza". Sa kabilang banda, noong 1854, ang pambansang eskudo na nagtataglay ng watawat ng pangulo ay naiayon para sila'y magkaroon ng parehong sawikain. Noong 1920 ang pagsasama sa pambansang eskudo de armas ng sawikain na "Por la razón o la fuerza" ay ginawang opisyal sa pamamagitan ng isang atas ng Ministeryo ng Digmaan at Hukbong Dagat (atas bilang 2271 na inilathala noong Setyembre 8, 1920).[3] Noong Disyembre 1967, isang kataas-taasang atas ni pangulong Eduardo Frei Montalva ang nagpatibay sa nabanggit na opisyal na kilos.[4]
Noong 1996, ginamit ng Los Prisioneros, isang Chileno na banda, ang pambansang sawikain bilang pamagat ng kanilang ikatlong compilation ng mga hit na kanta, Ni por la razón, ni por la fuerza (Hindi sa pamamagitan ng dahilan, hindi sa pamamagitan ng puwersa).[5][6]
Noong 2000, sa simula ng pamahalaan ni Pangulong Ricardo Lagos, isang debate ang nabuo ng ilang parlyamentaryo mula sa pangkat na Concertación na gustong baguhin ang sawikain sa "Por la fuerza de la razón" (Sa pamamagitan ng lakas ng katwiran) dahil itinuring nila na ang bagong sawikain ay "hindi gaanong paladigma". Ang panukalang iyon ay nasa talahanayan sa loob ng ilang buwan, ngunit ang mosyon ay hindi umunlad dahil sa kawalan ng quorum sa Pambansang Kongreso ng Chile. Noong 2004, ipinakilala ni Nelson Ávila, isang Chileno na senador, ang isang panukalang batas na magpapatupad ng naturang pagbabago pero hindi umusad ang nasabing panukala.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 ""Por la razón o la fuerza": la frase nacional que un día estuvo cerca de salir del Escudo de Chile" ["Por la razón o la fuerza": ang pambansang parirala na isang araw ay malapit nang umalis sa sagisag ng Chile]. Radio Biobío (sa wikang Kastila). Setyembre 19, 2020. Nakuha noong Marso 24, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "¿Cuál es el origen del lema "Por la razón o la fuerza" en el escudo nacional?" [Ano ang pinagmulan ng sawikain na "Por la razón o la fuerza" sa pambansang eskudo de armas?]. Pauta.cl (sa wikang Kastila). Oktubre 15, 2021. Nakuha noong Marso 24, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ministerio de Guerra y Marina. "Declara modelo oficial del escudo nacional de la República" [Pagpapahayag sa opisyal na modelo ng pambansang eskudo ng Republika]. BCN (sa wikang Kastila). Biblioteca del Congreso Nacional. Nakuha noong Setyembre 5, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ministerio del Interior de Chile. "Determina los emblemas nacionales y reglamenta su uso" [Tinutukoy ang mga pambansang sagisag at mga regulasyon sa kanilang paggamit]. BCN (sa wikang Kastila). Biblioteca del Congreso Nacional. Nakuha noong Setyembre 5, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "5 datos de Corazones, el disco más exitoso de Los Prisioneros" [5 datos mula sa Corazones, ang pinakamatagumpay na album ng Los Prisioneros]. Culto (sa wikang Kastila). Mayo 20, 2017. Nakuha noong Mayo 27, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "20 años de "Ni por la razón, ni por la fuerza"" [ika-20 taon ng “Ni por la razón, ni por la fuerza”]. Radio Concierto (sa wikang Kastila). Nobyembre 11, 2016. Nakuha noong Mayo 27, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Por la fuerza de la razón": la fallida propuesta de Nelson Ávila para el escudo nacional" ["Por la fuerza de la razón": Ang nabigong proposal ni Nelson Ávila para sa eskudo de armas]. Radio Valentin Letelier (sa wikang Kastila). Oktubre 27, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 5, 2022. Nakuha noong Setyembre 5, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bravo Lira, Bernardino (1996). El Estado de Derecho en la Historia de Chile [Ang pananaig ng batas sa kasaysayan ng Chile] (sa wikang Kastila). Santiago de Chile: Universidad Católica de Chile. ISBN 956140423-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)