Pumunta sa nilalaman

Pagkukutsarahan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Posisyong parang kutsara)
Larawan ng isang magkaparehang lalaki at babae na nagkukutsarahan.

Ang Pangungutsarahan, o Pagkukutsarahan, kilala rin bilang posisyon ng mga kutsara (Ingles: spoons position o spooning) ay isang posisyong pangpagtatalik at paraan ng pagyayapusan o pagyayakapan. Hinango ang katawagang ito mula sa paraan ng pagsasalansan ng dalawang mga kutsara, na magkasalikop at magkaakma ang mga pansalok nito.[1] Tinatawag din itong posisyong 99 (maaari ring posisyong 66), na batay bokabularyo ng wikang Pranses.

Sa posisyong ito ng pagtatalik, ang katalik na nagpapasok ng ari ay nakahiga sa kanyang tagiliran na nakabalukot ang mga tuhod. Ang katalik na tumatanggap ng ari ay nakahiga sa kanyang tagiliran na nasa kaparehong gilid ng katalik, na ang likod ay nakadiin sa harapan ng nagpapasok na katambal. Kapwa ang mga katawang pang-itaas ng magkapareha ay maaaring magkadikit o magkahiwalay na ang tanging nagdirikit ay ang mga balakang,[2] at ang kanilang mga binti ay maaaring nakapahinga o nakadantay sa ibabaw ng bawat isa. Ang katalik na tumatanggap ay maaaring mag-angat ng kanyang pang-itaas na tuhod upang magpahintulot ng mas maginhawang pagpapasok o penetrasyon.[3] Tinawag ang posisyong ito bilang isa sa "Saligang Apat" o Basic Four na mga posisyon sa pakikipagtalik.[4]

Ang posisyong ito ng pagpapasok mula sa likuran ay nagpapahintulot malaking antas ng kalapitang pangkatawan o paglalapit ng katawan, dahil mayroong pagdadaiti o pagdirikit ng buong katawan na nagpapahintulot ng pagyayakapan o pagyayapusan.[5] Ang lalaki (ang panlabas na kutsara) ay maaaring haplusin ang tiyan o puson at mga suso ng babae, pati na ang likod ng leeg at ng mga tainga, habang isinasagawa niya ang estimulasyon ng tinggil kung nanaisin. Ang babae naman ay maaaring estimulahin o hagurin ang sarili niyang tinggil o ang supot ng bayag ng kanyang kapareha.[6] Bilang dagdag, nagagalaw ng titi ang harapan ng puki o ang G-spot.[7] Kasama ng posisyong parang sa aso, maaaring ang pagkukutsarahan ang pinakamahusay na puwesto kung saan maaabot ang G-spot.[8][9] Ang magkapareha ay kapwa may kontrol sa anggulo at lalim ng penetrasyon, at ang pagtatalik na mabagal at mababa ang antas ng kasidhian o katindihan ay maaaring magtagal ng mahabang oras dahil pangkaraniwang mas matagal para sa lalaki na makarating sa sukdulan.[10] Maaari ring gawin ang pakikipagtalik sa butas ng puwit sa ganitong posisyon,[11] kasama ng paggamit ng isang pambayok o pangyanig.[5] Subalit kakaunti lamang ang estimulasyong pampaningin o pangmata para sa magkatalik, dahil sila magkaharap at hindi nila mapagmasdan ng buo ang kanilang mga katawan. Madali ring matanggal na hindi sinasadya ang titi mula sa kiki.[6] Kabilang sa mga baryasyon sa posisyong ito ang paghiga ng mga nagtatalik sa kanilang mga tagiliran na magkaharap o kaya nasa posisyong parang gunting (pagguguntingan).[12]

Maaaring mas gugustuhin ang posisyong ito ng mga magkaperhang kagigising pa lamang o iyong may labis na pagkapagod. Maaari rin itong gamitin kung ang babae ay buntis, kahit na sa huling trimestre (huling tatlong buwan ng pagdadalangtao), dahil hindi ito naglalagay ng presyon o pagdiin sa puson o sa tiyan.[12] Mabuti rin ito para sa mga taong nagpapagaling mula sa karamdaman o siruhiya, o sa mga matatanda, dahil sa kabahagyaan ng puwersang nagagamit ng mga masel.[3][7]

Karamihan sa mga erotikong sining na sinaunang Roma ang naglalarawan ng mga magkakaparehang nasa posisyon ng pangungutsara.[13]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cox, Tracey. The Hot Sex Handbook (Random House, Inc., 2005), p. 64.
  2. Castleman, Michael. Great Sex: A Man's Guide to the Secret Principles of Total-Body Sex (Rodale, 2004), p. 143.
  3. 3.0 3.1 Locker, Sari. The Complete Idiot's Guide to Amazing Sex (Penguin, 2005), pp. 194-195.
  4. Tim F. LaHaye, Beverly LaHaye, Mike Yorkey. The Act of Marriage After 40: Making Love for Life (Zondervan, 2000), pp. 92-93.
  5. 5.0 5.1 Julia Heiman, Joseph Lopiccolo, David Palladini. Becoming Orgasmic: A Sexual and Personal Growth Program for Women (Simon and Schuster, 1987), p. 203.
  6. 6.0 6.1 Sallie Foley, Sally A. Kope, Dennis P. Sugrue. Sex Matters for Women: A Complete Guide to Taking Care of Your Sexual Self (Guilford Press, 2001), pp. 238-239.
  7. 7.0 7.1 Rosenau, Douglas E. A Celebration of Sex (Thomas Nelson Inc, 2002), p. 147.
  8. Stefan Bechtel, Larry Stains, Laurence Roy Stains. Sex: A Man's Guide (Rodale, 1996), p. 100.
  9. Keesling, Barbara. Sexual Pleasure: Reaching New Heights of Sexual Arousal and Intimacy (Hunter House, 2005), p. 101.
  10. Salinger, Eve. The Complete Idiot's Guide to Pleasing Your Man (Penguin, 2005).
  11. Taormino, Tristan. Down and Dirty Sex Secrets: The New and Naughty Guide to Being Great in Bed (HarperCollins, 2003), p. 143.
  12. 12.0 12.1 Kalish, Nancy. The Nice Girl's Guide to Sensational Sex (iUniverse, 2003), p. 182.
  13. Younger, John Grimes. Sex in the Ancient World from A to Z (Psychology Press, 2005), p. 124.
  • Jean Rogiere (2001). The Little Book of Sex. Ulysses Press. p. 96. ISBN 1-56975-305-9.