Posttraumatic Stress Disorder

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Naka-redirect ang "PTSD" dito. Para sa ibang gamit, tingnan ang PTSD (paglilinaw).
Naka-redirect ang "Post traumatic" dito. Para sa the album, tingnan ang Post Traumatic.

Padron:Pp Padron:Infobox medical condition (new) Posttraumatic stress na sakit (PTSD)[note 1] ay isang sakit sa pag-iisip na maaaring mabuo makalipas malantad ang tao sa traumatic na kaganapan, tulad ng seksuwal na asulto, digmaan, mga banggaan sa trapiko, o mga ibang banta sa buhay ng tao.[1] Maaaring kasama sa mga sintomas ang mga nakakagambalang iniisip, pakiramdam, o mga panaginip na kaugnay ang mga kaganapan, mental o pisikal na pagkabahala sa mga kaugnay-ng trauma na hudyat, mga pagtangkang iwasan ang mga kaugnay-ng trauma na hudyad, mga pagbabago kung ano ang naiisip at nararamdaman ng tao at pagdami ng tugon na pakikipagaway-o-paglalayas.[1][2] Nagtatagal ang mga sintomas na ito ng mahigit sa isang buwan makalipas ang kaganapan.[1] Mas hindi nagpapakita ng pagkabahala ang mga batang bata, ngunit sa halip ay maaaring ipahiwatig ang mga alaala nila sa pamamagitan ng paglalaro.[1] Ang taong may PTSD ay nasa mas mataas na peligro sa pagpapakamatay at sadyang pananakit ng sarili.[3][4]

Karamihan ng mga taong nakaranas ng traumatic na kaganapan ay hindi magkakaroon ng PTSD.[3] Ang mga taong nakaranas ng interpersonal na trauma (halimbawa panggagahasa o pang-aabuso sa bata) ay mas malamang magkaroon ng PTSD, kumpara sa mga taong nakaranas ng hindi-batay sa asulto na trauma, tulad ng mga aksidente at natural na sakuna.[5] Halos kalahati ng mga tao ay nagkakaroon ng PTSD kasunod ng panggagahasa.[3] Ang mga bata ay mas hindi malamang kaysa sa mga adult na magkaroon ng PTSD makalipas ang trauma, lalo na kung mas bata pa sila sa 10 taong gulang.[6] Ang diyagnosis ay batay sa pagkakaroon ng mga partikular na sintomas kasunod ng traumatic na kaganapan.[3]

Maaaring posible ang prebensiyon kapag therapy ay itutuon sa mga may maagang sintomas ngunit hindi mabisa kapag nilaan sa lahat ng mga indibiduwal mayroon man o walang mga sintomas.[3] Ang mga pangunahing paggamot sa mga taong may PTSD ay ang pagpapayo at medikasyon.[2] Maaaring may ilang magkakaibang klase ng therapy na kapaki-pakinabang.[7] Maaaring maganap ito bilang one-on-one o sa isang pangkat.[2] Ang mga antidepressant ng klaseng selective serotonin reuptake inhibitor ay ang unang medikasyon para sa PTSD at magreresulta sa benepisyo sa halos kalahati ng mga tao.[8] Ang mga benepisyong ito ay mas kaunti sa mga natingnan sa therapy.[3] Hindi malinaw kung ang paggamit ng mga medikasyon at therapy nang magkasama ay mas higit ang benepisyo.[3][9] Ang mga ibang medikasyon ay walang sapat na katibayan para suportahan ang paggamit nila at sa kaso ng mga benzodiazepine, ay maaaring magpalala sa mga kalalabasan.[10][11]

Sa Estados Unidos, mga 3.5% ng mga adult ay may PTSD sa nasabing taon, at 9% ng mga tao ay nagkakaroon nito sa anumang punto sa buhay nila.[1] Sa karamihan sa mundo, ang mga rate sa nasabing taon ay nasa pagitan ng 0.5% at 1%.[1] Maaaring mas mataas ang mga rate sa mga rehiyon na may armadong labanan[3] Mas karaniwan ito sa kababaihan kaysa sa kalalakihan.[2] Ang mga sintomas ng kaugnay ng trauma na mga sakit sa pag-iisip ay nadokumento mula sa huling panahon ng mga sinaunang Griyego.[12] Noong Mga pandaigdigang digmaan ang kundisyon ay kilala sa ilalim ng iba't ibang termino kabilang ang "shell shock" at "combat neurosis".[13] Ang terminong "posttraumatic stress na sakit" ay ginamit noong 1970s sa malaking bahagi ng diyagnosis ng mga U.S. na beteranong militar ng Digmaan sa Vietnam.[14] Opisyal itong kinilala ng American Psychiatric Association noong 1980 sa ikatlong edisyon ng Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (DSM-III).[15]


See also[baguhin | baguhin ang batayan]

Notes[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. May mga katanggap-tanggap na variant ng terminong ito; tingnan ang Terminolohiya na seksiyon sa artikulong ito.

References[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 American Psychiatric Association (2013). Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (5th ed.). Arlington, VA: American Psychiatric Publishing. pp. 271–280. ISBN 978-0-89042-555-8. 
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Post-Traumatic Stress Disorder". February 2016. http://www.nimh.nih.gov/health/topics/post-traumatic-stress-disorder-ptsd/index.shtml. Hinango noong 10 March 2016. 
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 "Post-traumatic stress disorder". Bmj 351: h6161. November 2015. doi:10.1136/bmj.h6161. . PMID 26611143. http://www.pubmedcentral.nih.gov/articlerender.fcgi?tool=pmcentrez&artid=4663500. 
  4. "Suicidality and posttraumatic stress disorder (PTSD) in adolescents: a systematic review and meta-analysis". Social Psychiatry and Psychiatric Epidemiology 50 (4): 525–37. April 2015. doi:10.1007/s00127-014-0978-x. PMID 25398198. 
  5. "Current status on behavioral and biological markers of PTSD: a search for clarity in a conflicting literature". Neuroscience and Biobehavioral Reviews 37 (5): 860–95. June 2013. doi:10.1016/j.neubiorev.2013.03.024. PMID 23567521. 
  6. National Collaborating Centre for Mental Health (UK) (2005). "Post-Traumatic Stress Disorder: The Management of PTSD in Adults and Children in Primary and Secondary Care". NICE Clinical Guidelines, No. 26. Gaskell (Royal College of Psychiatrists). https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK56494/.  Padron:Open access
  7. "The efficacy of recommended treatments for veterans with PTSD: A metaregression analysis". Clinical Psychology Review 40: 184–94. August 2015. doi:10.1016/j.cpr.2015.06.008. PMID 26164548. 
  8. "Pharmacologic alternatives to antidepressants in posttraumatic stress disorder: a systematic review". Progress in Neuro-Psychopharmacology & Biological Psychiatry 33 (2): 169–80. March 2009. doi:10.1016/j.pnpbp.2008.12.004. . PMID 19141307. http://www.pubmedcentral.nih.gov/articlerender.fcgi?tool=pmcentrez&artid=2720612. 
  9. "Combined pharmacotherapy and psychological therapies for post traumatic stress disorder (PTSD)". The Cochrane Database of Systematic Reviews (7): CD007316. July 2010. doi:10.1002/14651858.CD007316.pub2. PMID 20614457. 
  10. "Benzodiazepines for PTSD: A Systematic Review and Meta-Analysis". Journal of Psychiatric Practice 21 (4): 281–303. July 2015. doi:10.1097/pra.0000000000000091. PMID 26164054. 
  11. "Pharmacotherapy for post-traumatic stress disorder: systematic review and meta-analysis". The British Journal of Psychiatry 206 (2): 93–100. February 2015. doi:10.1192/bjp.bp.114.148551. PMID 25644881. "Some drugs have a small positive impact on PTSD symptoms" 
  12. Carlstedt, Roland (2009). Handbook of Integrative Clinical Psychology, Psychiatry, and Behavioral Medicine Perspectives, Practices, and Research.. New York: Springer Pub. Co.. p. 353. ISBN 9780826110954. https://books.google.com/books?id=4Tkdm1vRFbUC&pg=PA353. 
  13. Herman, Judith (2015). Trauma and Recovery: The Aftermath of Violence–From Domestic Abuse to Political Terror. Basic Books. p. 9. ISBN 9780465098736. https://books.google.com/books?id=ABhpCQAAQBAJ&. 
  14. Klykylo, William M. (2012). Clinical child psychiatry (3. ed.). Chichester, West Sussex, UK: John Wiley & Sons. p. Chapter 15. ISBN 9781119967705. https://books.google.com/books?id=EL8eMEkxzkYC&pg=PT411. 
  15. "Finalizing PTSD in DSM-5: getting here from there and where to go next". Journal of Traumatic Stress 26 (5): 548–56. October 2013. doi:10.1002/jts.21840. PMID 24151001. 

External links[baguhin | baguhin ang batayan]

Padron:Medical condition classification and resources

Wikiquote-logo-en.svg
May koleksiyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles ukol sa/kay:

Portal icon Psychiatry

Padron:Z148 Padron:Mental and behavioral disorders Padron:Trauma