Pumunta sa nilalaman

Pulang selula ng dugo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pulang dugong selula)

Ang mga pulang selula ng dugo o pulang korpuskulo ng dugo (Ingles: red blood cell, dinadaglat na RBC, red blood corpuscle, o erythrocyte) ay mga selula sa dugo na nagdadala ng oksiheno.[1][2] Napakarami ng bilang ng mga pulang selula ng dugo; sa mga babae, mayroong 4.8 milyong mga pulang selula ng dugo sa bawat mikrolitro ng dugo. Sa mga lalaki, mayroong 5.4 milyong pulang selula ng dugo sa bawat mikrolitro ng dugo.[3] Ang mga pulang selula ng dugo ay pula dahil mayroong silang haemoglobin sa loob nila.

Ang pinaka mahalagang tungkulin ng mga pulang selula ng dugo ay ang pagdadala ng oksiheno. Sinisipsip (absorpsiyon) ng haemoglobin ang oksiheno na nasa loob ng mga baga, na naglalakbay sa pamamagitan ng mga sisidlan ng dugo at nagdadala ng oksiheno sa lahat ng iba pang mga selula sa pamamagitan ng puso. Dahil sa ang mga selula ng dugo ay dumaraan sa dalawang mga baga (upang kumukha ng oksiheno), na dumaraan sa puso (upang mapiga o bombahin sa paligid ng iba pang mga bahagi ng katawan upang mabigyan ng oksiheno ang lahat ng mga selula) at pabalik sa puso upang muling bombahin papunta sa mga baga (upang muling mangulekta ng oksiheno), sinasabi na ang dugo sa loob ng katawan ng tao ay naglalakbay sa loob ng isang sirkitong doble (dalawang sirkito), na dumaraan sa puso ng dalawang beses bago nito makumpleto ang isang buong sirkulasyon sa loob ng katawan.

Ang katotohanan na nakapagkakaiba ng mga pulang selula ng dugo ng mga mamalya mula sa ibang mga selula ay ang, kapag nasa husto nang edad, ang mga pulang selula ng dugo ay walang nukleyus. Ang iba pang mga bertebrado ay mayroong mga pulang selula ng dugo na mayroong mga nukleyus.

Ang mga pulang selula ng dugo ay kahugis ng donut, subalit walang butas. Ang hugis na ito ay tinatawag na isang diskong dalawa ang pisnging malukong (bi-concave disc). Subalit ang mga sakit na namamanang katulad ng sakit ng selulang hugis karit ay nakapagdurulot sa mga ito na magbago ng mga hugis at nagpapahinto ng daloy ng dugo sa loob ng mga kapilaryo at mga ugat na bena. Ang plasma ay nakukuha mula sa dugong buo (o dugong puno, whole blood). Upang maiwasan ang pagkulta (clotting), isang antikoagulante (katulad ng citrate) ang kaagad na idinaragdag sa dugo pagkaraan na ito ay makuha.

Ang mga pulang selula ng dugo ay natatangi sa mga bertebrado dahil ang mga ito ay mga selulang walang nukleyus. Ang mga selulang ito ay mayroong mga nukleyus habang umuunlad, subalit itinutulak nilang palabas ang nukleyus habang nahihinog o tumatanda. Nagbibigay ito ng higit na mas maraming puwang para sa haemoglobin. Ang mga pulang selula ng mga mamalya ay nawawalan din ng iba pang mga organelle na selular (pangselula) katulad ng kanilang mitochondria, aparatong Golgi at retikulum na endoplasmiko.

Bilang resulta ng hindi pagkakaroon ng mitochondria, ang mga selula ay hindi gumagamit ng oksihenong dala-dala nila. Sa halip ay gumagawa sila ng isang ATP na tagagawa ng enerhiya. Dahil sa kawalan ng nukleyus at ng mga organelle, ang mga hinog nang mga pulang selula ng dugo ay hindi naglalaman ng DNA at hindi nagsisintesis (bumubuo o gumagawa) ng anumang RNA. Hindi sila nahahati, at mayroong silang limitadong kakayahang kumpunihin ang kanilang mga sarili.[4] Nakapagtitiyak din ito na walang birus na makapupuntirya sa mga pulang selula ng dugo ng mga mamalya.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bradfield, Phil; Potter, Steve (2009). Edexcel IGCSE Biology Student Book. Pearson Education. ISBN 9780435966881.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Liang, Barbara. "General Anatomy & Physiology: Red Blood Cells". Wisc-Online. Nakuha noong 2011-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. WebMD
  4. Kabanova S. et al 2009. "Gene expression analysis of human red blood cells". International Journal of Medical Sciences. 6 (4): 156–9. PMC 2677714. PMID 19421340.
  5. Zimmer, Carl (2007-03-27). "Scientists explore ways to lure viruses to their death". The New York Times. Nakuha noong 2013-03-26.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)