Pumunta sa nilalaman

Hejaz

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rehiyon ng Hejaz)
Isang mapa na ang rehiyong Saudi ay binalangkas sa pamamagitan ng kulay na pula, at ang Kaharian ng Hejaz noong 1923 ay may kulay na lunti.

Ang Hejaz, Al-Hejaz, Hiyaz, o Hijaz (Arabe: الحجازal-Ḥiǧāz, literal na "ang harang") ay isang rehiyon sa kanluran ng pangkasalukuyang Saudi Arabia. Pangunahing nakahubog sa pamamagitan ng kanlurang hangganan nitong nasa Dagat na Pula, umaabot ito magmula sa Haql na nasa Tangway ng Aqaba hanggang sa mga hangganan ng Asir. Ang pangunahing lungsod nito ay ang Jeddah, subalit marahil ito ay mas nakikilala dahil sa mga pang-Islam na mga banal na lungsod ng Mecca at Medina. Bilang pook ng mga banal na lugar ng Islam, ang Hejaz ay mayroong kahalagan sa mga Arabo at Islamikong tanawing pampulitiko at pangkasaysayan. Ang rehiyon ay tinatawag sa ganitong kapangalan dahil ihinihiwalay nito ang lupain ng Najd na nasa silangan magmula sa lupain ng Tihamah na nasa kanluran.

Ang rehiyon ng Hejaz ay nasa kahabaan ng Punit ng Dagat na Pula. Bilang pangkanlurang rehiyon sa Arabyang Saudi, ang Hejaz ay nasa kahabaan ng Dagat na Pula (Dagat ng Hejaz). Humahangga ito magmula sa Taif sa timog hanggang sa Khyber sa hilaga. Ang rehiyon ito ay nakikilala rin dahil sa buhangin nitong mas pangbulkan na may mas madilim na kulay. Nakaayon sa dating kahulugan o paglalarawan, kabilang sa Hejaz ang matataas na mga bundok ng Sarawat na pangtopograpiyang naghihiwalay ng Najd magmula sa Tehamah. Masagana rin ang Hejaz sa mga halamang Bdellium.

Mayroong apat na mahahalagang mga lungsod sa rehiyong ito. Ang pinakamalaking lungsod ay ang Jeddah (na mayroong humigit-kumulang sa 3.2 milyong kataong naninirahan), na tinatawag na Babaeng Ikakasal (Babaeng Mapapangasawa) ng Dagat na Pula (Bride of the Red Sea), at nakalagak sa gitna ng dalampasigan ng Dagat na Pula. Ang Jeddah ay ang kabiserang pang-ekonomiya at pangturismo ng Kaharian ng Arabyang Saudi. Ang Mecca (na mayroong humigit-kumulang na kataong naninirahan) ay ang banal na lungsod para sa mga Muslim dahil sa Moske ng Al-haram at sa Al-Kaaba. Ang mga Muslim ay humaharap sa lungsod na ito kapag sila ay nananalangin. Ang ikalawang pinaka banal na lungsod ay ang Medina (na mayroong humigit-kumulang sa 1.4 milyong kataong naninirahan) na naging unang kabisera ng Islam. Ito ang lugar kung saan naroroon ang Moske ng Propetang si Muhammad at kung rin siya namuhay at nanirahan. Maraming mga bantayog at mga pook na makasaysayan dito. Ang pinaka batang lungsod ay ang Taif (na mayroong humigit-kumulang sa 900,000 kataong mga naninirahan). Ang Taif ay isang lungsod na pangturista sa Saudi Arabia dahil sa mas malamig na klima kung ihahambing sa iba pang mga lungsod. Ang Hejaz ay mayroong kahalagahang espiritwal, pangkultura, pang-ekonomiya at pangturismo.

Bilang pagbubuod, kabilang sa mga lungsod na nasa Hejaz ang mga sumusunod:

Mga tao sa Hejaz

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga tao ng Hejaz, na partikular na nakadaramang may kaugnayan sila sa mga banal na pook ng Mecca at Medina, ay marahil mayroong pinaka malakas at maliwanag na pagbibigkas ng katauhan sa alinmang mga pagpapangkat na pangrehiyon sa Arabyang Saudi. Ang kanilang pook na pinanggalingan ay nakapagpapakaya sa kanila ng damdami ng pagiging mga taong napili at nagbibigay din sa kanila ng natatanging katayuan para sa mga mata ng iba pang mga Muslim; subalit nakapaghihiwalay din ito sa kanila magmula sa estado ng Saudi, na nag-uudyok iba't ibang mga salaysay na pangkasaysayan hinggil sa Tangway ng Arabya. Sa loob ng mga daantaon, ang mga nakatira sa Hejaz ay nakalikha rin ng maraming mga ritwal at mga seremonya na nakapagpainam ng kanilang diwa ng pagiging may mataas na uri o may kataasan ng uri. Karamihan sa mga opisyal na klerigong Salafi ay mababa ang pagtingin sa mga ritwal na ito at, sa maraming mga pagkakataon, ay itinuturing ang mga ito bilang hindi maka-Islam. Kung kaya't nakakaranas sila ng hindi mabuting pakikitungo ng mga tao ng Najd.[1]

Ang mga tao ng Hejaz ay hindi lubos na naibigay ang kanilang kalooban sa pamumuno ng mga Saudi at ng mga Wahhabi. Marami sa kanila ang itinuturing ang kanilang mga sarili bilang mas kosmopolitano dahil sa ang Hejaz, sa loob ng mga daantaon, ay naging bahagi ng malalaking mga imperyo ng Islam, magmula sa mga Umayyad hanggang sa mga Ottoman.[2] Subalit ito ay napupunuan ng malaking kitang salapi dahil sa langis, na ang lahat ng mga langis ay natatapuan sa kabilang dulo ng Arabyang Saudi.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Beranek, Ondrej (Enero 2009). "Divided We Survive: A Landscape of Fragmentation in Saudi Arabia" (PDF). Middle East Brief. 33: 1–7. Nakuha noong Abril 15, 2012.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. Riedel, Bruce (2011). "Brezhnev in the Hejaz" (PDF). The National Interest. 115. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Nobiyembre 15, 2013. Nakuha noong Abril 23, 2012. {{cite journal}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)