Pumunta sa nilalaman

Espesyeng singsing

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ring species)
Ang mga may kulay na bar ay nagpapakita ng isang bilang ng mga natural na populasyon na ang bawat isa ay kinakatawan ng isang ibang kulay na nagbabago sa kahabaan ng isang cline (isang unti unting pagbabago sa mga kondisyon na nagpapalitaw sa katamtamang magkaibang mga katangian na nananaig sa mga organismo na nabubuhay sa kahabaan nito.) Ang gayong pagpapayo ay maaaring mangyari sa isang tuwid na linya gaya ng ipinapakita sa A o maaaring lumiko halimbawa gaya ng ipinapakita sa B.
Sa kaso na ang cline ay lumiliko, ang mga populasyon na katabi ng bawat iba pa sa clin ay maaaring makapagparami ngunit sa puntong ang pagsisimula ay nagtatagpong muli sa dulo gaya ng ipinapakita sa C, ang mga pagkakaiba na natipon sa kahabaan ng cline ay sapat na malaki upang pigilan ang kakayahang makapagparami(na kinakatawan ng puwang sa pagitan ng pink at berde). Ang mga makapagpaparaming mga populasyon sa sirkular na nagpaparaming pangkat na ito ay tinatawag na isang singsing na species.

Sa biolohiya, ang isang singsing na species o ring species ay isang magkakadugtong na serye na mga magkakapitbahay na populasyon na ang bawat isa ay makapagtatalik at makapagpaparami ngunit may umiiral na hindi bababa sa dalawang mga "dulong" populasyon sa serye na labis na malayong magkaugnay para makapagparami bagaman may isang potensiyal na pagdaloy ng gene sa pagitan ng "magkakaugnay" na species. Ang gayong hindi pwedeng pagpaparami na bagaman magkaugnay ng henetiko na mga dulong populasyon ay maaaring kapwa umiral sa parehong rehiyon at kaya ay nagsasara ng singsing.

Ang singsing na species ay nagbibigay ng isang mahalagang ebidensiya sa ebolusyon sa dahilang ito ay nagpapakita kung anong mangyayari sa paglipas ng panahon habang ang mga populasyon ay henetikong nagsasanga o naghihiwalay. Ito ay espesyal dahil ang mga ito ay kumakatawan sa mga nabubuhay na populasyon kung anong normal na nangyayari sa pagitan ng matagal nang namatay na mga populasyong ninuno at mga nabubuhay na populasyon kung saan ang mga pagitan ay naging ekstinto. Ayon kay Richard Dawkins , ang ring species ay "nagpapakita lamang sa atin sa dimensiyong pang-espasyo ng isang bagay na palaging mangyayari sa panahong dimensiyon. [1]

Sa pormal, ang isyu ay ang interfertile na kakayahang makapagparami sa iba ay hindi isang ugnayang transitibo. Kung ang A ay makapagpaparami sa B at ang B ay makapagpaparami sa C, hindi sumusunod na ang A ay makapagpaparami sa C at kaya ay hindi naglalarawan ng ugnayang pagkakatumbas. Ang isang singsing na species ay isang species na nagpapakita ng isang kontra-halimbawa sa transitibidad. [2]

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Larus gull

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga Larus gull ay makapagtatalik at makapagpaparami sa isang singsing sa palibot ng arktiko. 1: L. argentatus argentatus, 2: L. fuscus, 3: L. heuglini, 4: L. vegae birulai, 5: L. vegae, 6: L. smithsonianus, 7: L. argentatus argenteus.
Herring Gull (Larus argentatus) (harap) at Lesser Black-backed Gull (Larus fuscus) (likuran) in Norway: dalawang mga phenotype na may maliwanag na mga pagkakaiba

Ang isang klasikong halimbawa ng isang singsing na species ang sirkumpolar na singsing na species na mga Larus gull. Ang saklaw ng mga gull na ito ay bumubuo ng isang singsing sa palibot ng Hilagang Polo na hindi normal na dinadaanan ng mga gull. Ang European Herring Gull (L. argentatus argenteus) na pangunahing nakatira sa Gran Britanya at Ireland ay pwedeng magparami upang lumikha ng hybrid sa American Herring Gull (L. smithsonianus), (na nakatira sa Hilagang Amerika) na makapagpaparami rin sa Vega o East Siberian Herring Gull (L. vegae) na kanluraning subspecies na ang Birula's Gull (L. vegae birulai) ay makapagpaparami sa Heuglin's gull (L. heuglini) na makapagpaparami naman sa Siberian Lesser Black-backed Gull (L. fuscus). Ang lahat na apat ng mga ito ay nakatira sa ibayo ng hilaga ng Siberia. Ang huli ang silanganing kinatawan ng mga T Lesser Black-backed Gull sa hilagang kanlurang Europa kabilang ang Gran Britanya.

Ang mga Lesser Black-backed Gull at mga Herring Gull ay sapat na magkaiba na ang mga ito ay hindi normal na makapagpaparami. Kaya ang pangkat ng mga gull ay bumubuo ng isang continuum maliban kung saan ang dalanwang angkan ay nagtatagpo sa Europa.

Greenish Warbler

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Speculated evolution and spread of the Greenish Warbler.
  P. t. trochiloides
  P. t. obscuratus
  P. t. plumbeitarsus
  P. t. "ludlowi"
  P. t. viridanus
Note: The P. t. nitidus in the Caucasus Mountains is not shown.

Ang Greenish Warbler (Phylloscopus trochiloides) ay bumubuo ng isang singsing na species sa palibot ng Himalayas.[3] Ito ay pinagpapalagay na kumalat mula Nepal sa palibot ng tangway na Tibetano upang muling magsanib sa Siberia kung ang ang plumbeitarsus at viridanus ay wala nang kakayahang makapagparami.

Ang Song Sparrow (Melospiza melodia) ay bumubuo ng isang singsing sa palibot ng Sierra Nevada of California[4] na ang subspecies na heermanni at fallax ay nagtatagpo sa kalapit na San Gorgonio Pass.

Ang mga Ensatina salamander ay bumubuo ng isang singsing sa palibot ng Central Valley sa California.[5]

Euphorbia tithymaloides

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2012, inilarawan nina Cacho at Baum ang unang halimbawa ng isang singsing na species sa mga halaman.[6] Kanilang ipinakitang ang Euphorbia tithymaloides ay isang pangkat sa loob ng pamilyang Spurge na nagparami at nagebolb sa isang singsing sa Sentral at Karibeano na nagtatagpo sa Virgin Islands kung saan sila nagiging natatangi sa morpolohiya at ekolohiya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Dawkins, R. The Ancestor's Tale, 2004:303
  2. {{Cite web | url = http://karmatics.com/docs/evolution-species-confusion.html | title = "Same Species" vs. "Interfertile": concise wording can avoid confusion when discussing evolution" | first = Rob | last = Brown
  3. Alström, Per (2006). "Species concepts and their application: insights from the genera Seicercus and Phylloscopus". Acta Zoologica Sinica. 52 (Suppl): 429–434. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-03-02. Nakuha noong 2013-06-07.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Patten and Pruett, Per (2009). "The Song Sparrow, Melospiza melodia, as a ring species: patterns of geographic variation, a revision of subspecies, and implications for speciation" (PDF). Systematics and Biodiversity. 7 (1): 33–62.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. This species ring forms the subject of "The Salamander's tale" in Richard Dawkins' The Ancestor's Tale, 2004.
  6. Cacho & Baum (2012) "The Caribbean slipper spurge Euphorbia tithymaloides: the first example of a ring species in plants", Procedings of the Royal Society B