Pumunta sa nilalaman

Sakura Wars

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Sakura Wars (サクラ大戦, Sakura Taisen) ay isang prangkisang pang-midya na steampunk mula sa bansang Hapon na nilikha ni Oji Hiroi at kasalukuyang pagmamay-ari ng Sega. Nakatuon ito sa isang serye ng iba't ibang uri ng larong bidyo. Unang lumabas ang unang laro ng serye noong 1996, kasama ang limang sumunod na serye at maraming spin-off na mga titulo na nilalabas simula pa noon. Ang tagpuan ng serye ay sa isang kathang-isip na bersyon ng panahong Taishō na sinasalarawan ang mga pangkat ng kababaihan na may kakayahang salamangka gamit ang mga mecha na pinapandar ng steam o singaw upang labanan ang demonikong banta.

Ang unang laro ay nailabas noong Setyembre 27, 1996. Maraming laro ng Sakura Wars ang nagkaroon ng lokalisasyon para sa mga merkado ng Hilagang Amerika, Europa, Asya at Australya sa maraming console ng larong bidyo, personal na kompyuter at teleponong selular. Noong 2019, kabilang sa serye ang pangunahing mga nilabas mula 1996 na Sakura Wars hanggang 2019 na Sakura Wars, gayun din ang mga spin-off na parehong lumabas at natiyak bilang ginagawa. Karamihan sa mga lumang laro ay muling ginawa o muling nilabas sa maraming plataporma.[1][2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. サクラ大戦.com ゲームタイトル紹介 - サクラ大戦 発売年表. Sakura Wars Portal Site (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 5, 2017. Nakuha noong Mayo 7, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lada, Jenni (Abril 24, 2006). "Important Importables: Sakura Taisen". GamerTell. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 9, 2010. Nakuha noong Mayo 7, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)