Sant'Agnese in Agone
Ang Sant'Agnese in Agone (tinatawag ding Sant'Agnese sa Piazza Navona) ay isang ika-17 siglo na simbahang Baroque sa Roma, Italya. Kaharap ang Piazza Navona, isa sa mga pangunahing pampublikong espasyo ng lunsod sa makasaysayang sentro ng lungsod at ang pook kung saan ang martir ng Maagang Kristiyanismo na si Saint Agnes ay minartir sa sinaunang Estadio ni Domiciano. Nagsimula ang konstruksiyon noong 1652 sa ilalim ng mga arkitekto na si Girolamo Rainaldi at ng kaniyang anak na si Carlo Rainaldi . Matapos ang maraming mga tunggalian, ang iba pang pangunahing arkitektong kasangkot ay si Francesco Borromini.[1]
Ang simbahan ay isang diyakoniyang titulo, kasama si Gerhard Ludwig Müller bilang kasalukuyang Kardinal-Diyakono. Kasabay ng mga serbisyong panrelihiyon, ang simbahan ay nagtatanghal ng mga regular na klasikal na konsiyerto sa Sakristiya ni Borromini, mula sa mga sagradong akdang Baroque hanggang sa mga musika de kamara at mga opera.
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Tanaw tungo sa pangunahing dambana
-
Loob ng simboryo kasama ang mga Fresco ni Ferri
-
Ang Kamatayan ni San Alejo ni Rossi
-
Ang Kamatayan ni Santa Cecilia ni Raggi
-
Ang Pagkamartir ni Saint Eustaquio ni Cafà
-
Ang Pagkamartir ng Santa Emerentiana ni Ferrata
-
Santa Inez sa Pira ni Ferrata
-
Ang rebulto ni SanSebastian ni Campi at Mga Anghel ni Le Gros
-
Libingan ni Inocencio X ni Maini
-
Dambana ni Santa Inez
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ For the building history of the church and extensive documentation, see Gerhard Eimer, La Fabbrica di S. Agnese in Navona, Stockholm 1970