Pumunta sa nilalaman

Saoshyant

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Saoshyant (Avestano: 𐬯𐬀𐬊𐬳𐬌𐬌𐬀𐬧𐬝 saoš́iiaṇt̰) sa Wikang Avestano na nangangahulugang "Ang isa na nagdadadala ng pakinabang" ayon sa relihiyonng Zoroastrianismo at mga kasulatan nito ang isang pigurang eskatolohikal na tagapagligtas na magsasanhi ng Frashokereti ang huling muling pagbabago sa mundo kung saan ang kasamaan ay wawasakin. Ang tungkulin ng Saoshyant ay isang tagapagligtas sa hinaharap ayon sa Yasht 19.88-96 kung saan matatamo ang Frashokereti at gagawin niya ang mundo na perpekto at imortal at ang kasamaan at Druj ay maglalaho. Siya ay anak ni Vîspa.taurwairî at magmmumula sa Lawang Kansaoya/Kansava at magdadala ng sandatang Verethragna na sandatang ginamit ng mga epikong bayani at at bayani ng Iran sa nakaraan laban sa mga kaaway na demoniko. Sina Haurvatat, Ameretat, at ang matuwid na si Dūraoša at iba pang mga kasama ay magsasama upang wakasan ang mga kasamaang nilikha ni Angra Mainyu.