Pumunta sa nilalaman

Pangalawang mga katangiang pangkasarian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sekundaryong katangiang sekswal)
Mga katangiang pangkasarian ng isang lalaki.
Mga katangiang pangkasarian ng isang babae.

Ang Pangalawang mga katangiang pangkasarian (Ingles: secondary sex characteristics) ay mga tampok na nakapagpapakilala ng pagkakaiba ng dalawang mga kasarian ng isang uri o espesye, subalit hindi tuwirang bahagi ng sistemang reproduktibo. Pinaniniwala ang mga ito bilang mga produkto ng seleksiyong seksuwal o pagpiling seksuwal para sa mga likas na gawi o katangian na nagbibigay sa isang indibidwal ng isang kainaman sa ibabaw ng mga katunggali sa panliligaw at agresibong mga interaksiyon o pakikipag-ugnayan. Naiiba sila mula sa mga pangunahing mga katangiang pangkasarian na binubuo ng mga organong pangkasarian, na tuwirang kailangan upang maganap ang reproduksiyon o paggawa at pagpaparami ng anak.

Kabilang sa mga talagang nalalalaman na mga pangalawang mga katangiang pangkasarian ang mga buhok o balahibo sa batok at leeg ng mga leon at mahahabang mga balahibo ng mga lalaking peacock. Iba pang dramatikong mga halimbawa ay ang mga pangil ng mga lalaking narwhal, malalaking mga probosis ng mga lalaking elepanteng-dagat at mga unggoy na probosis, ang makinang na kulay ng mukha at pigi o puwit ng mga lalaking mandril, at mga sungay ng maraming mga kambing at antelop. Ang mga lalaking ibon at mga isda ng maraming mga uri ay mayroong mas makikinang na mga kulay o iba pang panlabas na mga palamuti o ornamento. Ang kaibahan sa sukat o laki (dimorpismong seksuwal) sa pagitan ng mga kasarian ay itinuturing din bilang pangalawang mga katangiang pangkasarian.

Sa mga tao, kasama sa nakikitang pangalawang mga katangiang seksuwal ang malalaking mga suso ng mga kababaihan at ang buhok sa mukha ng mga kalalakihan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]