Pumunta sa nilalaman

Seksuwal na panunupil

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sexual repression)

Pag-iimpi ng sekswal na kagustuhan o Sexual Repression ay siang kalagayan kung saan ang isang tao ay pinipigilan ipahayag ang kanilang sekswalidad. Ang pag-iimpi ng sekswal na kagustuhan ay madalas ini-uugnay sa pagsisisi at kahihiyan dahil ang pakakaroon ng sekswal na kagustuhan ay tinitignan na kaakibat ng libido. Ang bumubuo ng "sexual repression" ay personal at maaring magkakaiba depende de kultura at sa kasanlingan o moralidad ng isang tao. Maraming relihiyon ang naparatangan na ng pag-udyok ng sexual repression.

Maraming analitiko na nagsasabi na ang Kristiyanismo ay labag sa homosekswalidad o pagkakagusto sa kaparehong kasarian. Sinasabi rin ng mga analitiko na ang doktrina ng selibasiya o hindi pag-aasawa ay sexually repressive o nag-iimpi ng seksual na kagustuhan ng tao.

Isang magandang halimbawa ang pagkakaroon ng konserbatibong modo ang relihiyon na Islam. Makikita sa relihiyon na ito na mahigpit ang usapin ng sekswalidad sakanila at ipinagbabawal ang homosekswalidad, at mahigpit na dinidikta ang pagiging birhen o virgin ng mga babae. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit mahigpit ang Islam sa pagpapatupat ng mga batas ukol sa pananamit ng mga babae.

Mga Pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming pag-aaral ang isinagawa ukol sa maaaring pagkakaroon ng koneksiyon ng sexual repression sa pagkakaroon ng mga kasong pag-gagahasa o rape ngunit ito ay hindi pa napapatunayan.

Ang pag-iimpi ng sekswal na kagustuhan ay tinitignan na isang mahalagang problema sa lahat ng anyo ng peminismo, lalung-lalo na sa paniniwalang radikal na peminismo.