Pumunta sa nilalaman

Shallum ng Israel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Shallum
Kaharian ng Israel (Samaria)
Panahon Isang buwan
Sinundan Zecarias ng Israel
Sumunod Menahem
Ama Jabesh

Si Shallum ng Israel (Hebreo: שַׁלּ֤וּםŠallūm, "retribusyon") ay hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) at anak ni Jabesh. Ayon sa Bibliya, siya ay isang kapitan sa hukbo ni haring Zecarias ng Israel at nakipagsabwatan laban kay Zecarias na pumaslang dito at sumunggab sa trono (2 Hari 15:10). Siya ay naghari lamang ng isang buwan sa Samaria (2 Hari 15:13) bago naghimagsik ang isa pang kapitan na si Menahem na pumatay kay Shalum(2 Hari 15:14-17). Si Menahem ang naging hari pagkatapos patayin si Shallum.