Sikosis
Psychosis | |
---|---|
Espesyalidad | Sikiyatriya, clinical psychology |
Ang sikosis o psychosis (mula sa Griyegong ψυχή "psyche", isipan/kaluluwa at -ωσις "-osis", abnormal na kondisyon) ay tumutukoy sa abnormal na kondisyon ng isipan at isang henerikong terminong sikayatriko para sa estado ng isipan na kadalasang inilalarawan bilang "kawalan ng kaugnayan sa realidad". Ang mga taong dumaranas nito ay inilalarawang sikotiko. Ang sikosis ay terminong ibinigay sa mas malalang mga anyo ng mga anyo ng sakit na sikayatriko na ang mga halusinasyon at/o delusyon, karahasan at huminang kabatiran ay maaaring mangyari.
Mga sintomas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga halusinasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga halusinasyong naririnig ang mga naririnig na tinig o boses sa ulo ng meron nito na isang karaniwang katangian ng sikosis. Sila ay maaaring nakakakita ng mga bagay o entidad na hindi tunay.
Mga delusyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga delusyon ang mga maling paniniwala ng isang meron nito sa kabila ng mga ebidensiyang sumasalungat sa maling paniniwalang ito. Kabilang sa mga delusyon (maling paniniwala) nito ang delusyon na paranoid, delusyon ng pag-uusig, at delusyon ng kadakilaan. Ang mga delusyon ng pag-uusig o paranoid ay kinabibilangan ng paniniwalang sila ay kinokontrol ng ibang tao, nilalason, dinadaya, hinaharass, pinapadalhan ng mga mensahe ng mga tao sa telebisyon o ang kanilang mga kaisipan ay isinasahimpapawid ng mga himpilan ng radyo. Ang mga delusyon ng kadakilaan ang paniniwalang sila ay isang superior o napaka-dakilang indibdwal gaya ng pagkakaroon ng tumaas o labis na kapangyarihan, katalinuhan, kayamanan o kasikatan. Kabilang dito ang paniniwalang sila ay Diyos, mesiyas, tagapagligtas, santo o isang pinili.
Mga diperensiyang sikayatriko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga pangunahing sanhing sikayatriko ng sikosis ay kinabibilangan ng:[1][2][3]
- schizophrenia at schizophreniform disorder
- affective (mood) disorders, kabilang ang depression, at malalang depresyon o manila sa bipolar disorder (manic depression). Ang mga taong nakakaranas ng episodyong sikotiko sa konteksto ng depresyon ay maaaring makaranas ng mga delusyon o halusinasyong inuusig sila o pagsisi sa kanilang sarili samantalang ang mga nakakaranas ng episodyong sikotiko sa konteksto ng mania ay maaaring may mga delusyon ng kadakilaan.
- schizoaffective disorder na kinasasangkutan ng mga sintomas ng parehong schizophrenia at mga mood disorder
- brief psychotic disorder, o acute/transient psychotic disorder
- delusional disorder (persistent delusional disorder)
- chronic hallucinatory psychosis
Ang mga sintomas na sikotiko ay maaari ring makita sa [3]
- schizotypal disorder
- ilang mga diperensiya ng personalidad sa panahon ng stress (including paranoid personality disorder, schizoid personality disorder, at borderline personality disorder)
- major depressive disorder
- bipolar disorder sa malalang mania at/o malalang depresyon bagaman posibleng magkaroon ng malalang mania at/o malalang depresyon ng walang sikosis.
- post-traumatic stress disorder
- induced delusional disorder
- minsan sa obsessive-compulsive disorder
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ World Health Organization, The ICD-10 Classification of Mental and Behavioural Disorders: Clinical descriptions and diagnostic guidelines (CDDG), 1992.
- ↑ American Psychiatric Association, Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders, fourth edition, text revision (DSM-IV-TR), American Psychiatric Association, 2000.
- ↑ 3.0 3.1 Cardinal, R.N. & Bullmore, E.T., The Diagnosis of Psychosis, Cambridge University Press, 2011, ISBN 978-0-521-16484-9