Pumunta sa nilalaman

Simulasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Simulation)
Simulasyon sa pagmamaneho

Ang isang simulasyon ay ang tinatayang paggaya ng operasyon ng isang proseso o sistema na kinakatawan ang operasyon nito sa paglipas ng panahon.[1]

Ginagamit ang simulasyon sa maraming konteksto, tulad ng simulasyon ng teknolohiya para sa pagsasayos o pag-optimisa ng pagganap, inhinyeryang pangkaligtasan, pagsubok, pagsasanay, edukasyon,[2] at mga larong bidyo. Kadalasan, ginagamit ang mga ekperimento sa kompyuter upang pag-aralan ang mga modelong simulasyon. Ginagamit din ang simulasyon sa pagmomodelong siyentipiko ng mga likas na sistema[2] o mga sistema ng tao upang makamit ang kabatiran ng kanilang paggana,[3] bilang isang ekonomika. Maaring gamitin ang simulasyon upang ipakita ang posibleng tunay na mga epekto ng mga alternatibong kondisyon at kurso ng aksyon. Ginagamit din ang simulasyon kapag hindi magamit ang totoong sistema, dahil hindi ito maaring kunin, o maaring mapanganib o hind katanggap-tanggap ang paggamit, o dinidisenyo ito ngunit hindi pa nagagawa, o wala pa talaga ito.[4]

Kabilang sa mga pangunahing isyu sa pagkuha ng balidong mga pinagmumulan ng impormasyon tungkol sa kaugnay na pagpili ng pangunahing katangian at mga ugali, ang gamit ng pagpapasimple ng pagtataya at mga pinapalagay sa loob ng simulasyon, at ang katapatan at bisa ng kinalabasan ng simulasyon. Ang mga pamamaraan at protokolo para sa pagpapatotoo at balidasyon ng modelo ay isang patuloy na larangan ng akademikong pag-aaral, pagdadalisay, pananaliksik at pagpapabuti sa mga teknolohiya o pagsasanay ng simulasyon, partikular sa gawa ng simulasyon ng kompyuter.

Nararapat na paggamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kapag ang sistemang gustong pag-aralan ay masyadong kumplikado upang gawin ng mga mananaliksik ng manwal
  2. Kapag gusto makita ng mananaliksik ang epekto ng mga pagbabagong pangimpormasyon, pang-organisasyon at pangkapaligiran ng sistema.
  3. Kapag ang mga kaalamang nakuhang pang simulasyon ay makakadagdag ng halaga sa pagbabagong iminumungkahi ng imbestigasyon
  4. Kapag maaaring palitan ang mga pinasok at ng mga impormasyong naobserbahan at tingnan ang mga resulta ay makakakita ng mga mahahalagang punto kung saan ay makakahinuha ng mga importanteng implementasyon sa sistema
  5. Ang simulasyon ay maaaring gamitin na isang gamit or isang paraan upang suportahan ang mga analitikong pag-aaral at makagawa ng isang metodolohiya sa paggawa ng solusyon
  6. Maaari itong gamitin upang makagawa ng mga bagong desisyon at mga polisiya at mga preparasyon sa mga bagay na maaaring mangyari sa sistema
  7. Ito ay maaaring gamitin upang maberipika ang mga analitikong solusyon sa problema
  8. Ito ay maaaring gamitin upang malaman ang mga kinakailngan ng mga makina at kagamitan at mga kakanyahan nito sa operasyon
  9. Ito ay maaaring gamitin upang malaman ang mga kinakailangan ng operasyon nang hindi naaantala ang operasyon nito.

Hindi nararapat na paggamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kapag ang problema ay madaling masolusyunan gamit ang alternatibong paraan
  2. Kapag ang problema ay kayang solusyunan sa analitikong paraan
  3. Kapag ang problema ay maaaring magawa at masolusyunan gamit ang iba't ibang eksperimento kumpara sa paggamit ng software na mayroon ang mananaliksik
  4. Kapag ang gastos ng pagbili ng software ay mas mahal sa aktwal na gastos ng pageekperimento.
  5. Kapag may mga impormasyon na maaaring gamitin sa simulasyon, ngunit kung wala, ay hindi ito magandang gamitin.
  6. Kapag ang mga taong kasama sistema ay may hindi risonableng ekspektasyon mula sa pag-aaral
  7. Kapag masyadong kumplikado ang sistema na hindi na kayang bigyang depinisyon ng mga mananaliksik.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Discrete-Event Simulation System Simulation, J. Banks, J. Carson II, B. Nelson, D. Nicol, 2001, Pearson Education Asia Pte Ltd, New Jersey
  1. J. Banks; J. Carson; B. Nelson; D. Nicol (2001). Discrete-Event System Simulation (sa wikang Ingles). Prentice Hall. p. 3. ISBN 978-0-13-088702-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Srinivasan, Bharath (2020-09-27). "Words of advice: teaching enzyme kinetics". The FEBS Journal (sa wikang Ingles). doi:10.1111/febs.15537. ISSN 1742-464X. PMID 32981225.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sa ibang mga salita ng artikulo ng Simulation sa Encyclopedia of Computer Science, "designing a model of a real or imagined system and conducting experiments with that model". (sa Ingles)
  4. Sokolowski, J.A.; Banks, C.M. (2009). Principles of Modeling and Simulation (sa wikang Ingles). John Wiley & Son. p. 6. ISBN 978-0-470-28943-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)