Mga wikang Sino-Tibetano
Sino-Tibetano | |
---|---|
Distribusyong heograpiko: | Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya |
Klasipikasyong lingguwistiko: | Isa sa mga pangunahing pamilyang wika ng mundo |
Mga subdibisyon: |
Mga ibang 40 mabuting naitatag na pangkat na mababang antas, na ang ilan ay maaaring hindi naman kabilang sa Sino-Tibetano
Maraming imnungkahing mga pangkat na mataas na antas
Nakagisnang Pagkakahati-hati:
Sinitiko kung ihahambing sa ibang (Tibeto-Birmano)
|
ISO 639-2 at 639-5: | sit |
Ang pagkaka-labuwad ng iba't ibang sangay ng Sino-Tibetano |
Ang mga wikang Sino-Tibetano ay isang pamilyang wika ng higit-kumulang na 400 wikang sinasalita sa Silangang Asya, Timog-Silangang Asya at Timog Asya. Pangalawa lamang ang pamilyang wikang ito sa mga wikang Indo-Europeo sa bilang ng mga katutubong tagapagsalita. Ang pamilyang wikang ito ang mayroon pinakamaraming katutubong mananalita ay ang mga sari-saring uri ng wikang Tsino (halos 1.2 bilyong tagapagsalita), Birmano (Burmese, halos 33 milyon) at mga wikang Tibetiko (halos 8 milyon). Maraming mga wikang Sino-Tibetano ang ginagamit sa malalayong mabundok na lugar at halos hindi mabuting naisa-tala.
Maraming mga mababang antas na pangkat ang mga mainam na natatag, ngunit nananatiling hindi malinaw ang mataas na antas na hulma ng pamilya. Baga ma't kadalasang ipinapakita naturang pamilyang wika na nakahati bilang Sinitiko at Tibetano, hindi kailan man naipahayag ang pangkaraniwang pinagmulan ng mga wikang di-Sinitiko, at sinasalungat ng mga nagdaramihang bilang ng mga mananaliksik.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang iminungkahi ang ugnayang henetiko sa Tsino, Tibetano, Birmano (Burman) at iba pang mga wika noong sibol ng ika-19 na siglo, at malawakan na ngayon tinaggap. Ang pangunahing pagtuon sa mga wika ng sibilisasyon na mayroong mahabang nakagisnang pang-literaryo ay napalawak, upang maisama ang mga di-gaanong malawak na sinasalitang mga wika, kung saan ang mangilan-ngilan ay ngayon-ngayon lang, o hindi pa kailan man naisulat. Ganoon pa man, ang muling pagsasabuong panibago o rekonstruksyon ng naturang pamilya ay higit na di-gaanong napalawig kaysa sa mga pamilyang wika na katulad ng mga wikang Indo-Europeo o Austro-Asyatiko. Naisama sa naging suliranin ang napakalaking pagkakaiba-iba o dibersidad ng mga wika, ang kawalan o kakulangan ng impleksyon sa karamihan ng mga iyon, at ang mga naging kinalabasan ng ugnayang pangwika (language contact). Sa karagdagan, marami sa mga maliliit na wikang sinasalita sa mga mabubundok na lugar na halos mahirap maabot, kadalasang sila ang mga pook na panghangganang maselan.[1]
Talasalitaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]glosa | Lumang Tsino[2] | Lumang Tibetano[3] | Lumang Birmano[3] | Jingpho[4] | Garo[4] | Limbu[5] | Kanauri[6] |
---|---|---|---|---|---|---|---|
"isa" | 一 *ʔjit | – | ac | – | – | – | id |
隻 *tjek "pang-isahan" | gcig | tac | – | – | thik | – | |
"dalawa" | 二 *njijs | gnyis | nhac | – | gin-i | nɛtchi | niš |
"tatlo" | 三 *sum | gsum | sumḥ | mə̀sūm | git-tam | sumsi | sum |
"apat" | 四 *sjijs | bzhi | liy | mə̀lī | bri | lisi | pə: |
"lima" | 五 *ŋaʔ | lnga | ṅāḥ | mə̀ŋā | boŋ-a | nasi | ṅa |
"anim" | 六 *C-rjuk | drug | khrok | krúʔ | dok | tuksi | țuk |
"pito" | 七 *tsʰjit | – | khu-nac | sə̀nìt | sin-i | nusi | štiš |
"walo" | 八 *pret | brgyad | rhac | mə̀tshát | cet | yɛtchi | rəy |
"siyam" | 九 *kjuʔ | dgu | kuiḥ | cə̀khù | sku | – | sgui |
"sampu" | 十 *gjəp | – | kip[7] | – | – | gip | – |
– | bcu | chay | shī | ci-kuŋ | – | səy |
Madla at mga wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Walang pagkakaisang pang-etniko ang nairal sa madlang tagapagsalita ng Sino-Tibetano. Ang mayroong pinakamaraming bilang ay ang Tsinong Han, na mayrong halos 1.3 bilyon. Nagsasalita rin ng Tsino ang mga Hui ngunit opisyal na inihanay ng pamahalaang Tsino bilang naiiba sa diwa ng pangkat-etniko. Ang higit na maraming bilang ng tao na mananalita ng Sino-Tibetano ay ang mga Birmano (42 milyon), Yi (Lolo) (7 milyon), Tibetano (6 milyon), Karen (5 milyon), Tripuri (1.3 milyon), Meithei (1.5 milyon), Naga (1.2 milyon), Tamang (1.1 milyon), Chin (Kuki, 1.1 milyon), Newar (1 milyon), Bodo (2.2 milyon), at Kachin (1 milyon).
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Handel (2008), pp. 422, 434–436.
- ↑ Baxter (1992).
- ↑ 3.0 3.1 Hill (2012).
- ↑ 4.0 4.1 Burling (1983), p. 28.
- ↑ van Driem (1987), pp. 32–33.
- ↑ Sharma (1988), p. 116.
- ↑ Yanson (2006), p. 106.
- ↑ Lewis, Simons & Fennig (2015).
Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- James Matisoff, Tibeto-Burman languages and their subgrouping
- The Genetic Position of Chinese, by Guillaume Jacques
- Sino-Tibetan at the Linguist List MultiTree Project (not functional as of 2014): Genealogical trees attributed to Conrady 1896, Benedict 1942, Shafer 1955, Benedict 1972, Egerod 1991, Matisoff & Namkung 1996, Peiros 1998, Thurgood & LaPolla 2003, and Matisoff 2006. (Caution: The tree attributed to Bradley 2007 does not actually correspond to that article.)