Integrated circuit
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang integrated circuit o monolithic integrated circuit (tinawag ding IC, chip, o microchip) ay isang grupo ng mga electronic circuits na pinagsama-sama sa isang maliit na chip ng materyal pansemikonductor, kadalasang silicon. Ito ay nagagawang mas maliit sa mga circuit na gawa sa sari-sariling electronic components. Ang mga IC ay pwede gawing napakasiksik, naglalaman ng bilyon-bilyong mga transistor at iba pang mga electronic component sa isang bagay na kasing liit lang ng kuko. Ang laki ng bawat linya ng kuryente sa isang circuit ay pwedeng liitan nang liitan habang umuunlad ang teknolohiya; Noong 2008, bumaba ito sa 100 nanometers, ang ngayon ay nasa sampuang nanometers.
Ang mga IC ay naging posible dahil sa mga katuklasan galing sa mga eksperimento na nagpapakita na kayang gampanan ng mga semiconductor ang mga ginagawa ng mga vacuum tube at pagdating ng gitna ng ika-20 na dantaon ang pagunlad ng teknolohiya sa paggawa ng semiconductors. Ang pagsama ng maraming maliliit na transistor sa isang maliit na chip ay isang malaking pagsulong mula sa manwal na paggawa ng mga circuit gamit ang sari-sariling mga electronic component, pagkamaasahan at makabloke na paraan sa pag disenyo ng circuits ang nagsiguro ng mabilis na pagpalit ng mga karaniwang integrated circuit kapalit ng mga disenyong gumagamit ng sari-sariling transistors.
May dalawang malaking lamang ang mga IC laban sa ibang mga circuit: presyo at galing sa pagtupad. Masbaba ang presyo dahil ang mga chip, kasama ang iba pang mga component, ay tinatatak bilang isang yunit gamit ang photolithography imbis na buoin ang mga ito isa-isa. Isa pa, mas kaunti ang ginagamit na materyal ng mga IC kaysa sa ibang mga circuit. Magaling ang pagtupad dahil mabilis ang pagpalit ng mga IC at kumukunsumo ito ng mas kaunting kuryente (kumpara sa ibang mga circuit) gawa ng kaliitin nito at ng pagkakalapit-lapit ng mga component. Noong 2012, ang karaniwang laki ng isang chip ay nasa pagitan ng kaunting milimetro hangang 450 na milimetro, at nagtataglay ng hanggang 9 na milyong mga transistor sa bawat milimetro.