Pumunta sa nilalaman

Siyentipiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang siyentipiko o siyentista ay isang taong nakatuon sa isang sistematiko aktibidad upang makakuha ng kaalaman na naglalarawan at naghuhula sa natural na mundo. Sa isang mas mahigpit na kahulugan, ang isang siyentipiko ay maaaring tumukoy sa isang indibidwal na gumagamit ng siyentipikong paraan (scientific method).[1] Ang mga taong ito ay maaaring maging isang dalubhasa sa isa o higit pang sangay ng agham.[2] Ang artikulong ito ay nakatuon sa mas mahigpit na gamit ng salita. Nagsasagawa ang mga siyentipiko ng pananaliksik tungo sa isang mas komprehensibong pag-unawa ng kalikasan, kabilang ang mga aspetong pisikal, pangmatematika at panlipunan.

Ang pilosopiya ay isang natatanging aktibidad na hindi karaniwang itinuturing na agham. Layunin ng mga pilosopo (philosophers) na magbigay ng isang komprehensibong pag-unawa ng mga hindi nahahawakang (intangible) aspeto ng realidad at karanasan na hindi maaaring pisikal na masukat.

Ang mga siyentipiko ay kaiba sa mga inhinyero, mga taong nadidisenyo, bumubuo at nagpapanatili ng mga aparato para sa mga partikular na sitwasyon; gayunpaman, walang inhenyerong makakatamo ng titulong iyon nang walang makabuluhang pag-aaral ng agham at ng siyentipikong paraan. Kapag ang agham ay ginawa na may layunin patungo sa praktikal na panggagamitan, ito ay tinatawag na inilapat sa agham (applied science). Ang isang applied scientist ay maaaring hindi nagdidisenyo ng isang partikular na bagay, ngunit sa halip ay nagsasagawa ng pananaliksik na may layuning bumuo ng mga bagong teknolohiya at praktikal na pamamaraan. Kapag ang agham ginawa na kasama ang hindi nahahawalang aspeto (intagible aspects) ng realidad ito ay tinatawag na natural na pilosopiya (natual philosophy). Salamat

  1. Isaac Newton (1687, 1713, 1726). "[4] Rules for the study of natural philosophy", Philosophiae Naturalis Principia Mathematica, Third edition.
  2. Oxford English Dictionary, 2nd ed. 1989