Pumunta sa nilalaman

Stablecoin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Stable coin)

Ang mga stablecoin (lit. baryang matatag) ay mga salaping kripto na idinisenyo para mabawasan ang bolatilidad ng presyo ng stablecoin, na may kinalaman sa "matatag" na asset o basket ng mga asset. Maaaring ikabit o i-peg ang isang stablecoin sa salaping kripto, perang fiat, o sa mga kalakal na ipinagpapalitan (exchange-traded commodities, gaya ng mga mahahalagang metal o pang-industriya na metal). Sinasabing suportado (backed) ang mga stablecoin kung makatutubos ang mga ito ng pera, mga kalakal, o perang fiat. Samantala, ang mga stablecoin na nakatali sa isang algoritmo ay tinutukoy bilang estilong senyorahe (seigniorage-style; di-suportado).[1]

Mga suportadong stablecoin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pakinabang ng mga salaping kripto na suportado ng mga asset (asset backed) ay mga coin na napatatatag ng mga asset na nagbabagu-bago sa labas ng larangan ng salaping kripto, iyan ay, hindi korelasyonado (correlated), kaya nababawas ang panganib sa pananalapi. Mataas ang korelasyon ng Bitcoin at mga altcoin, kaya hindi makatatakas ng mga mayhawak ng salaping kripto sa laganap na pagbagsak ng presyo nang hindi lumalabas ng merkado o sumisilong sa mga stablecoin na suportado ng asset. Bilang karagdagan, ang mga ganoong coin, kung ipapalagay pinamamahalaan sa mabuting pananalig, at kung mayroong mekanismo para sa pagtubos ng (mga) asset na nagsusuporta sa mga ito, ay malamang na hindi bababa sa halaga ng saligang pisikal na asset (underlying physical asset), dahil sa arbitrahe.

Napasasailalim ang mga suportadong stablecoin sa parehong bolatilidad at panganib na nauugnay sa nagsusuportang asset. Kung nakasuporta ang suportadong stablecoin sa desentralisadong paraan, medyo ligtas ang mga ito mula sa pandarambong, ngunit kung mayroong gitnang vault, maaari itong manakawan, o mawalan ng kumpiyansa.[2]

Suportado ng kalakal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pangunahing katangian ng mga suportadong stablecoin ay:

  • Ang kani-kanilang halaga ay nakakabit sa isa o higit pang mga kalakal at matutubos sa gayon (humigit-kumulang) kung ito’y hinihiling,
  • Mayroong pangakong magbayad, mula sa mga di-reguladong indibidwal, agoristang bahay-kalakal, o kahit mga reguladong institusyong pampinansyal,
  • Kumakatawan dapat ang halaga ng kalakal na ginagamit para isuporta ang stablecoin sa nagpapalipat-lipat na suplay ng stablecoin.

Ang mga mayhawak ng mga stablecoin na suportado ng kalakal ay maaaring magpalit ng kani-kanilang stablecoin sa halaga ng kumbersyon pag magmay-ari ng mga tunay na asset. Ang gastos sa pagpapanatili ng katatagan ng stablecoin ay ang gastos sa pag-iimbak at pagpoprotekta sa suporta ng kalakal.

Mga halimbawa: Digix Gold Token (DGX)[3] at iba pa.

Suportado ng fiat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang halaga ng mga stablecoin ng ganitong uri ay nakabase sa halaga ng sumusuportang salapi, na hinahawakan ng isang reguladong pampinansyal na entidad na ikatlong partido (third-party regulated financial entity). Dito, napakahalaga ang tiwala sa tagapag-ingat ng sumusuportang asset para sa katatagan ng presyo ng stablecoin. Maaaring ipagpalit ang mga stablecoin na suportado ng fiat sa mga palitan at matutubos mula sa nagbigay (issuer). Katumbas ang gastos ng pagpapanatili ng katatagan ng stablecoin sa gastos ng pagpapanatili ng sumusuportang reserba at ang gastos ng pagsunod sa batas, pagpapanatili ng lisensya, tagasuri at ang imprastraktura ng negosyo na kinakailangan ng regulador.

Pinakakaraniwan ang mga salaping kripto na suportado ng perang fiat, at ito ang naging unang uri ng stablecoin sa merkado. Ang mga katangian ng mga ito ay:

  • Ang kani-kanilang halaga ay nakakabit sa isa o higit pang mga salapi (pinakakaraniwan ang US dolyar, pati na rin ang Euro at franc ng Suwisa) sa nakapirming rasyo,
  • Ganap ang tali sa labas ng kawing (chain), sa pamamagitan ng mga bangko at iba pang uri ng mga reguladong institusyong pampinansyal na nagsisilbi bilang mga depositarya ng salapi na ginagamit para isuporta ang stablecoin,
  • Kumakatawan dapat ang halaga ng salapi na ginagamit para isuporta ang stablecoin sa nagpapalipat-lipat na suplay ng stablecoin.

Mga halimbawa: TrueUSD (TUSD),[4] USD Tether (USDT),[5] USD Coin, Diem.

Suportado ng salaping kripto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga stablecoin na suportado ng salaping kripto ay iniisyu na may salaping kripto bilang kolateral, na magkatulad sa konsepto ng mga stablecoin na suportado ng fiat. Gayunman, ang makabuluhang pagkakaiba ng dalawang disenyo ay habang nangyayari ang paggagarantiya ng fiat sa labas ng blockchain, nangyayari naman ang paggagarantiya ng salaping kripto o ng asset nito sa blockchain mismo, gamit ang mga matatalinong kontrata sa mas desentralisadong paraan. Sa maraming kaso, gumagana ito sa paghihintulot ng mga gumagamit na umutang sa isang matalinong kontrata sa pagkukulong ng kolateral, kaya nagiging mas kapaki-pakinabang na bayaran ang utang kung sakaling bumaba ang halaga ng stablecoin. Upang maiwasan ang mga biglaang pagbagsak, maaaring likidahin ng matalinong kontrata ang isang nag-utang kung bumaba ang halaga ng kanilang kolateral na masyadong malapit sa halaga ng ini-withdraw.

Ang mga makabubuluhang katangian ng mga stablecoin na suportado ng kripto ay:

  • Ginagarantisado ang halaga ng stablecoin ng ibang salaping kripto o portpolyo ng salaping kripto,
  • Naisasakatuparan ang pagkabit sa kawingan sa pamamagitan ng mga matatalinong kontrata,
  • Inuugitan ang suplay ng mga stablecoin sa kawingan, sa paggamit ng mga matatalinong kontrata,
  • Nakakamit ang katatagan ng presyo sa pagpapakilala ng mga pandagdag na instrumento at insentibo, hindi lang ang kolateral.

Ang teknikal na pagpapatupad ng ganitong uri ng mga stablecoin ay mas masalimuot at nag-iiba-iba kaysa sa mga stablecoin na suportado ng fiat, na nagdadala ng mas malaking panganib ng pagsamantala dahil sa mga bug sa kodigo ng matalinong kontrata. Dahil nagaganap ang pagtatali (tethering) sa kawingan, hindi ito napapailalim sa regulasyon ng ikatlong partido, kaya nagkakaroon ng desentralisadong solusyon. Ang potensyal na problematikong aspeto nitong uri ng stablecoin ay ang pagbabago sa halaga ng kolateral at ang pagtitiwala sa mga pandagdag na instrumento. Maaaring hadlangan ang paggamit nito ng kasalimuotan at di-direktang pagsuporta sa stablecoin, dahil maaaring mahirap maintindihin kung paano talaga nagagarantiya ang presyo. Dahil sa napakapabagu-bago at konberhenteng merkado ng salaping kripto, kailangang magpanatili ng napakalaking kolateral para matiyak ang katatagan nito.

Ang mga buhay na proyekto ng stablecoin ng ganitong uri ay Havven (ang pares: nUSD – stablecoin at HAV – nUSD na suportado ng kolateral),[6] DAI (pares: CDP – Garantisadong Posisyon ng Utang o Collateralized Debt Position at MKR – token sa pamamahala na ginagamit para ikontrol ang suplay)[7] at iba pa.

Estilong senyorahe (di-suportado)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginagamit ng mga estilong senyorahe na coin ang mga algoritmo para ikontrol ang suplay ng pera ng stablecoin, gaya ng ginagawa ng bangko sentral sa paglilimbag at pagsisira ng pera. Di-ganoong sikat na uri ng stablecoin ang mga stablecoin na nakabatay sa senyorahe.[1]

Significant features of seigniorage-style stablecoins are:[1]

  • Nangyayari ang mga pagsasaayos sa kawingan,
  • Walang kailangan na kolateral para gumawa ng mga barya,
  • Kinokontrol ang halaga ng suplay at demand sa pamamagitan ng mga algoritmo, na nagpapatatag sa presyo.

Isang halimbawa ng estilong senyorahe na barya ang Basis.[1]

Naharap ang Tether, ang pinakamalaking stablecoin ayon sa kapitalisasyon ng merkado, sa mga paratang na hindi nakapagbibigay ng audit para kanilang reserba habang naglilimbag pa rin ng milyun-milyon; ipinatutungkol ang kanilang di-mapapatunay na paglikha ng bagong barya sa pagtaas ng presyo ng Bitcoin noong 2017.[8]

Mga nabigo at inabandonang proyekto sa stablecoin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Malimit na nabibigo ang mga stablecoin dahil sa bolatilidad at pangangalaga na kailangan sa maraming pagkakataon.

Ang NuBits ay isang halimbawa ng stablecoin na nabigo sa pagpapanatili ng kabit o peg nito.[9]

Nagsara ang Basis, isang proyektong stablecoin na nakatanggap ng higit sa $100 milyon sa pagpopondo ng puhunang kapital, noong Disyembre 2018, na nagbanggit ng mga pagkabahala sa regulasyon sa Amerika.[10]

Pakinabang sa lipunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinala ng Bank of International Settlements ang mga posibleng merito ng paksa bilang pagpapahusay ng mga pagsisikap laban sa paglilinis ng pera, katatagan sa pagpapatakbo, proteksyon ng datos ng mamimili, pagsasama sa pananalapi, pagsunod sa buwis, at siberseguridad.[11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Memon, Bilal. "Guide to Stablecoin: Types of Stablecoins & Its Importance" [Patnubay sa Stablecoin: Mga Uri ng Stablecoin & Ang Kahalagahan Nito] (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Gold-Pegged Vs. USD-Pegged Cryptocurrencies" [Mga Salaping Kripto na Nakakabit sa Ginto Laban sa Nakakabit sa USD]. Investopedia. Nakuha noong Oktubre 27, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Eufemio, Anthony C.; Chng, Kai C.; Djie, Shaun (Hulyo 2018). "Digix's Whitepaper: The Gold Standard in Crypto-Assets" [Puting papel ng Digix: Ang Pamantayang Ginto sa mga Kripto-Asset] (PDF). Digix's Whitepaper: The Gold Standard in Crypto-Assets (sa wikang Ingles): 2.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Why Facebook Chose Stablecoins as Its Path to Crypto" [Kung Bakit Napili ng Facebook ang mga Stablecoin bilang Kanilang Landas sa Kripto]. Bloomberg (sa wikang Ingles). Enero 27, 2019. Nakuha noong Agosto 30, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Tether. "Tether: Fiat currencies on the Bitcoin blockchain" [Tether: Mga perang fiat sa Bitcoin na blockchain] (PDF). Tether: Fiat Currencies on the Bitcoin Blockchain (sa wikang Ingles): 7. Nakuha noong 2018-10-23.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Brooks, Samuel; Jurisevic, Anton; Spain, Michael; Warwick, Kain (2018-06-11). "A decentralised payment network and stablecoin" [Isang desentralisadong kalambatan ng pagbabayad at stablecoin] (PDF). A Decentralised Payment Network and Stablecoin V0.8 (sa wikang Ingles): 6–9. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-11-19. Nakuha noong 2021-03-09.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "The Dai Stablecoin System" [Ang Sistema ng Dai Stablecoin] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Without this bitcoin price would collapse" [Nang walang ganito, babagsak ang presyo ng bitcoin]. NewsComAu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-06-11.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Stablecoin NuBits Loses $1 Peg, No Recovery in Sight" [Nawala Ang Pagkabit ng Stablecoin NuBits sa $1, Walang Natatanaw na Pagbawi]. Chainstate (sa wikang Ingles). 2018-05-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-12. Nakuha noong 2018-06-11.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Cryptocurrency project Basis to shut down and return funding to investors" [Proyekto sa salaping kripto, Basis, magsasara at magbabalik ng pondo sa mga mamumuhunan]. Reuters (sa wikang Ingles). Disyembre 13, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 30, 2018. Nakuha noong Disyembre 30, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. G7Working Group on Stablecoins. Committee on Payments and Market Infrastructure. (Oktubre 19, 2019). "CPMI Papers: Investigating the impact of global stablecoins" [CPMI Papers: Pag-iimbestiga sa epekto ng mga pandaigdigang stablecoin] (sa wikang Ingles). Bank of International Settlements website Retrieved Enero 23, 2021.