Pumunta sa nilalaman

Nana

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Suppuration)
Nana
Isang namamagang mata na may lumalabas na nana
EspesyalidadNakakahawang sakit

Ang nana ay isang tagas, na tipikal kulay puting-dilaw, dilaw, o dilaw na kayumanggi, na nabubuo sa namamagang bahagi sa panahon ng impeksyong bakteryal o fungal.[1][2] Tinatawag na isang naknak o pigsa ang pagkaipon ng nana sa nakasarang espasyo ng tisyu, samantalang isang nakikitang koleksyon ng nana sa loob o sa ilalim ng epidermis ay kilala sa tawag na pustula o tagihiyawat.

Binubuo ang nana ng manipis na pluidong mayaman sa protina (kilala sa Ingles bilang pus at liquor puris sa kasaysayan[3][4]) at patay na mga leukosito mula sa tugon sa depensa ng katawan (karamihan mga neutropilo).[5] Kapag may impeksyon, naglalabas ng sitosina ang mga selulang pantulong na T, na napapasimuno ng mga neutropilo upang hanapin ang bahagi na may impeksyon sa pamamagitan ng kimotaksis. Doon, naglalabas ang mga neutropilo ng mga butil o granula, na winawasak ang bakterya. Nilalabanan ng bakterya ang tugon ng depensa ng katawan sa pamamagitan ng paglabas ng mga lason o toksin na tinatawag na mga leukosidina.[6] Habang namamatay ang mga neutropilo mula sa mga toksin at pagtanda, winawasak sila ng mga makropago, na binubuo ang malapot na nana. Tinatawag na piyoheno ang nana na dulot ng bakterya.[6][7]

Bagaman karaniwang kulay maputing-dilawa ang nana, namamasid ang pagbabago sa kulay sa ilang mga kalagayan. Lunti minsan ang nana dahil sa presensya ng mieloperoksidasa, isang matinding lunti na protinang kontra-bakterya na ginagawa ng ilang uri ng mga puting selula ng dugo. Matatagpuan ang lunti at mabahong nana sa ilang impeksyon ng Pseudomonas aeruginosa. Resulta ang malalunting kulay ng bakteryal na pangulay na piyosiyanina na nilalabas nito. Gumagawa naman ng malakayumangging nana ang mga amebiyanong naknak ng atay, na sinasalarawan na mukhang "bagoong". Maaring kadalasang mas mabaho ang nana mula sa mg impeksyong anaerobiko.[8]

Sa lahat ng halos na mga kaso nang mayroong isang koleksyon ng nana sa katawan, susubukan ng isang kliniko na gumawa ng labasan upang ipaagos ito. Dinalisay ang prinsipyong ito sa sikat na aporismong Latin na "Ubi pus, ibi evacua" ("Kung mayroong nana, alisin ito").

Ilan sa mga prosesong sakit na dinudulot ng pinohenong impeksyon ay ang impetigo o singaw sa balat,[9]osteomiyelitis, artritis septica at passitis nekrotisante.

Isang pigsang nakalangkap ang koleksyon ng nana.

Bakteryang piyoheno

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming espesye ng bakterya ang maaring may kinalaman sa produksyon ng nana. Kabilang sa pinakakaraniwang matatagpuan ang sumusunod:[10]

  • Staphylococcus aureus
  • Staphylococcus epidermidis
  • Streptococcus pyogenes
  • Escherichia coli (Bacillus coli communis)
  • Streptococcus pneumoniae (pneumococcus ni Fraenkel)
  • Klebsiella pneumoniae (bacillus ni Friedländer)
  • Salmonella typhi (Bacillus typhosus)
  • Pseudomonas aeruginosa
  • Neisseria gonorrhoeae
  • Actinomyces
  • Burkholderia mallei (bacillus na Glanders)
  • Mycobacterium tuberculosis (tuberkulong bacillus)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Pus". dictionary.reference.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2008-08-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Pus – What Is Pus?". medicalnewstoday.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-08-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. British Medical Journal (sa wikang Ingles). British Medical Association. 1917. pp. 751–754.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Society, Louisiana State Medical (1846). Journal (sa wikang Ingles). p. 251.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Barer, M.R. (2012). "The natural history of infection". Medical Microbiology (sa wikang Ingles). Elsevier. pp. 168–173. doi:10.1016/b978-0-7020-4089-4.00029-9. ISBN 978-0-7020-4089-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Madigan, Michael T. and Martin, John M. Brock Biology of Microorganisms 11th ed. Pearson Prentice Hall. US. 2006: 734 (sa Ingles)
  7. pyogenic sa Dorland's Medical Dictionary (sa Ingles) (sa Ingles)
  8. Topazian RG, Goldberg MH, Hupp JR (2002). Oral and maxillofacial infections (sa wikang Ingles) (ika-4 (na) edisyon). Philadelphia: W.B. Saunders. ISBN 978-0721692715.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Infections Caused by Common Pyogenic Bacteria", Dermatopathology (sa wikang Ingles), Berlin Heidelberg: Springer, 2006, pp. 83–85, doi:10.1007/3-540-30244-1_12, ISBN 978-3-540-30245-2{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Thompson, Alexis; Miles, Alexander (1921). "Pyogenic Bacteria". Manual of Surgery (sa wikang Ingles) (ika-6th (na) edisyon). Oxford Medical Publications. OCLC 335390813.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • May kaugnay na midya ang Pus sa Wikimedia Commons