Pumunta sa nilalaman

Susilo Bambang Yudhoyono

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Susilo Bambang Yudhoyono
Ika-6 na Pangulo ng Indonesia
Nasa puwesto
20 Oktubre 2004 – 20 Okturbre 2014
Pangalawang PanguloJusuf Kalla
Boediono
Nakaraang sinundanMegawati Sukarnoputri
Sinundan niJoko Widodo
Personal na detalye
Isinilang (1949-09-09) 9 Setyembre 1949 (edad 75)
Tremas, Pacitan, Indoneiya
Partidong pampolitikaDemokratikong Partido
AsawaKristiani Herawati
AnakAgus Harimurti Yudhoyono
Edhie Baskoro Yudhoyono
TahananPalasyo ng Malayang
Alma materMagelang Military Academy
United States Army Command and General Staff College
Pamantasang Webster
Bogor Agricultural Institute
TrabahoSundalo (Retirado)
Mga parangalAdhi Makayasa (1973)
Pirma
Websitiowww.presidensby.info
Serbisyo sa militar
KatapatanIndonesian National Armed Forces
Sangay/SerbisyoIndonesian National Army
Taon sa lingkod1973–2000
RanggoFour-star General

Si Susilo Bambang Yudhoyono (binibigkas [/suːsiːlɵ bɑːmbɑːŋ juːdɒjɵnɵ/] , ipinanganak 9 Setyembre 1949) ay isang retiradong heneral ng Hukbo ng Indonesia, at dating Pangulo ng Indonesia. Nanalo si Yudhoyono sa halalan sa pagkapangulo ng Indonesia noong 2004 kung saan tinalo niya ang nakaupong Pangulo na si Megawati Sukarnoputri. Kilala sa Indonesia sa kanyang inisyal na "SBY", nanumpa siya sa tungkulin noong 20 Oktubre 2004, kasama si Jusuf Kalla Bilang Pangalawang Pangulo, at noong 20 Oktubre 2009, kasama si Boediono bilang Pangalawang Pangulo. Tumakbo siya noong halalan sa pagkapangulo noong 2009 kasama si Boediono, at nanalo sa pamamagitan ng pagkakuha ng mayorya sa unang yugto ng botohan.

Ipinanganak si Susilo Bambang Yudhoyono sa Tremas, isang nayon sa Arjosari, Pacitan Regency, Silangang Haba, sa isang mababa-gitnang klase ng pamilya at anak nina Raden Soekotjo at Siti Habibah.[1] Since he was a child, he wanted to join the army.[2] Nabuo ni Yudhoyono ang reputasyon bilang talentadong mag-aaral karagdagan sa pagiging matalino, sa pagsusulat ng mga tula, maikling kuwento, at pagganap sa mga laro. Talentado rin si Yudhoyono sa musika at palakasan, na naipakita niya nang itatag niya at ng mga kaibigan nya ang samahan ng volleyball na Klub Rajawali at ang bandang Gaya Teruna.[3]

Nang nasa ikalimang baitang siya nang bisitahin niya ang Indonesian Armed Forces Academy (AKABRI). Matapos makita ang pagsasanay ng mga sundalo at maaaring dala na rin ng inspirasyong dala ng trabaho ng kanyang ama, naging determinado si Yudhoyono na sumali sa Indonesian Armed Forces para maging sundalo. Nais sana ni Yudhoyono na makapasok sa AKABRI pagkatapos niya ng mataas na paaralan noong 1968, subalit hindi siya umabot dahil hindi siya nakapagpatala sa takdang oras.[2]

Naging mag-aarala muna si Yudhoyono sa Ikasampung Nobyembre ng Institusyong Teknolohiya bago pumasok sa Vocational Education Development Center sa Malang, East Java. Doon siya nakapaghanda para sa susunod na kabanata ng kanyang pag-aaral sa Akabri. Opisyal na nakapasok si Yudhoyono sa AKABRI noong 1970 matapos pumasa sa pagsusulit sa Bandung.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Presiden Yudhoyono Hari Ini Berusia 59 Tahun" (sa wikang Indones). ANTARA. 9 Setyembre 2008. Nakuha noong 23 Hunyo 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Nugroho, Wisnu (24 Hunyo 2004). "Menjadi Tentara adalah Cita-cita SBY Kecil". Kompas (sa wikang Indones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-10. Nakuha noong 23 Hunyo 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Jayadi, Fauzan (4 Hunyo 2004). "Berani-beraninya Menggoda Putri Jenderal". Suara Merdeka (sa wikang Indones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-15. Nakuha noong 23 Hunyo 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
Megawati Sukarnoputri
Pangulo ng Indonesia
20 Oktubre 2004 – 20 Oktubre 2014
Susunod:
Joko Widodo

Padron:Mga pangulo ng Indonesia