Pumunta sa nilalaman

Sikomoro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sycamore tree)

Ang sikomoro (Ingles: sycamore o sycomore, Kastila: sicomoro o sicómoro), ay isang pangalang inilalapat sa sari-saring mga panahon at mga pook sa tatlong magkakaibang mga puno, ngunit mayroong tila magkakatulad na mga anyo ng dahon. Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:

  • Ficus sycomorus, ang sikomoro ng Bibliya; isang espesye ng ficus, o fig sa Ingles, na tinatawag ding sycamore fig (sikomorong ficus) o fig-mulberry, na katutubo sa Gitnang Silangan at silangang Aprika.
  • Acer pseudoplatanus, ang sikomoro ng Britanya at Irlanda; isang punong Acer (mas kilala sa Ingles bilang maple, binibigkas na /mey-pol/) sa Europa (ang maple tree sa Europa), na tinatawag ding sycamore maple, great maple, o ang plane tree sa Eskosya.
  • Platanus, ang mga sikomoro sa Hilagang Amerika, nakikilala bilang mga plane sa Europa.