Tangway ng Italya
Itsura
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
42°00′N 14°00′E / 42.000°N 14.000°E
Ang Tangway ng Italya, na kilala rin bilang Tangway ng Apeninos, ay isang tangway na umaabot mula sa timog Alpes sa hilaga hanggang sa gitnang Dagat Mediteraneo sa timog. Ito ay may palayaw lo Stivale (ang Bota). Ang tatlong mas maliit na tangway ay dagdag sa hugis nito, ang Calabria (ang "daliri ng paa"), Salento (ang "sakong"), at Gargano (ang "spur"). Ang gulugod ng Tangway ng Italya ay binubuo ng Kabundukang Apenino, kung saan kinuha ang isa sa mga pangalan nito. Ang tangway ay binubuo ng kalakhan ng Italya, at kasama rin ang mga microestado ng San Marino at Lungsod ng Vaticano at ang ekstrateritoryal na nagsasariling teritoryo ng Soberanong Ordeng Militar ng Malta.