Pumunta sa nilalaman

Tatak-pangkalakal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tatak-kalakal)
Simbolo ng nakarehistrong tatak-pangkalakal
Simbolo ng tatak-pangkalakal

Ang tatak-pangkalakal (o tatak-kalakal) ay isang uri ng intelektwal na ari-arian na binubuo ng isang nakikilalang tanda, disenyo, o ekpresyon na tumutukoy sa mga produkto o serbisyo mula sa isang partikular na pinagmulan at nakikilala ang mga ito mula sa iba.[1][2][3] Ang may-ari ng tatak-pangkalakal ay maaaring isang indibidwal, organisasyon ng negosyo, o anumang legal na entidad. Ang isang tatak-pangkalakal ay maaaring matatagpuan sa isang pakete, isang tatak, isang resibo o voucher, o sa mismong produkto. Minsan tinatawag ang mga tatak-pangkalakal na ginagamit upang tukuyin ang mga serbisyo bilang marka ng serbisyo.[4][5]

Ang unang pagsasabatas ng mga tatak-pangkalakal ay ipinasa noong 1266 sa ilalim ng paghahari ni Henry III ng Inglatera, na ginawang kailangan gumamit ng isang natatanging marka ang lahat ng mga panadero para sa tinapay na kanilang ibinebenta. Ang mga unang modernong batas sa tatak-pangkalakal ay lumitaw noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon. Sa Pransiya, ang unang komprehensibong sistema ng tatak-pangkalakal sa mundo ay naipasa bilang batas noong 1857. Binago ng Trade Marks Act (Batas Tatak-pangkalakal) 1938 ng Reyno Unido ang sistema, na nagpapahintulot sa pagpaparehistro batay sa "intent-to-use" o nilayong paggamit, na lumilikha ng prosesong batay sa pagsusuri, at paglikha ng isang aplikasyong sistema sa paglalathala. Ang Batas 1938, na nagsilbing modelo para sa katulad na batas sa ibang lugar, ay naglalaman ng iba pang mga naiibang konsepto tulad ng "mga nauugnay na tatak-pangkalakal", isang pahintulot na gamitin ang sistema, isang sistema ng pagtatanggol sa marka, at isang hindi pag-angkin ng tamang sistema.

Ang mga simbolo ™ (ang simbolo ng tatak-pangkalakal) at ® (ang rehistradong simbolo ng tatak-pangkalakal) ay maaaring gamitin upang ipahiwatig ang mga tatak-pangkalakal; ang huli ay para lamang gamitin ng may-ari ng isang tatak-pangkalakal na nakarehistro.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "A trademark is a word, phrase, symbol, and/or design that identifies and distinguishes the source of the goods of one party from those of others" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Disyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Trademark and registration process" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "A trade mark is a sign which can distinguish your goods and services from those of your competitors (you may refer to your trade mark as your "brand")" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Disyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Trade marks identify the goods and services of particular traders. Signs that are suitable for distinguishing products or services of a particular enterprise from that of other companies are eligible for trade mark protection" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2013. Nakuha noong 22 Disyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "U.S. Customs Today - February 2002 - an Untimely Christmas Delivery" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Oktubre 2011. Nakuha noong 27 Disyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)