Pumunta sa nilalaman

Kayo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tela)

Ang kayo ay isang katawagan na kinabibilangan ng iba't ibang materyal na nakabatay sa hibla, kabilang ang hilatsa, estambre, sinulid, pilamento, iba't ibang uri ng tela, atbp. Noong una, tumutukoy ang "kayo" sa mga hinabing tela.[1](p3)[2](p5)[3] Bagaman, ang paghahabi ay hindi lamang kaparaanan ng pagmamanupaktura, at maraming ibang kaparaanan ang ginawa sa kalaunan upang buuin ang mga istrakturang tela batay sa nilayong gamit nito. Ang paggagantsilyo at di-hinabi ay ibang popular na uri ng pagmamanupaktura ng tela.[4] Sa mundong kontemporaryo, napupunan ng kayo ang materyal na kailangan para sa mga aplikasyong maraming nagagawa, mula sa payak an pananamit hanggang sa dyaket na di-tinatablan ng bala, kasuotang pangkalawakan, at kasuotan ng doktor.[3][5][4]

Nahahati ang kayo sa dalawang pangkat: ang mga kayong pangkonsyumer para mga layuning domestiko at kayong teknikal. Sa mga kayong pangkonsyumer, ang estetika at pagiging komportable ang pinakamahalang tinitingnan sa ganitong uri, habang sa mga kayong teknikal, mas priyoridad ang mga katangiang punsyonal o lubusang magagamit.[4][6]

Ang mga heotekstil, kayong pang-industriya, kayong medikal, at maraming iba pang larangan ay mga halimbawa ng kayong teknikal, habang ang damit at palamuti sa damit ang halimbawa ng mga kayong pangkonsyumer. Ang bawat bahagi ng produktong kayo kabilang ang hibla, estambre, tela, pagproseso, at pantapos, ay nakakaapekto sa produktong gawa na. Maaring iba't iba ang mga produktong kayo habang pinipili ang kanilang layunin at kaangkupan.[4][7][6]

Terminolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tela sa isang tindahan

Ang tela ay isang bagay na maraming gamit na tipikal na ginawa sa pamamagitan ng proseso ng paghabi, pagpiyeltro, o paggagantsilyo gamit ang likas o sintetikong materyal.[8] Bagaman ang tela ay isa uri ng kayo, hindi lahat ng kayo ay maaring iuri bilang tela dahil sa pagkakaiba sa kanilang proseso ng pagmamanupaktura, katangiang pisikal, at nilayong gamit. Ang mga materyal ay hinabi, ginantsilyo, binungkos o binuhol bilang tela, habang ang wallpaper (papel pandingding), mga produktong tapiseryang plastik, alpombra, at hindi hinabing materyal ay maaring ituring kayo.[9](p207)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Joseph, Marjory L. (1977). Introductory textile science (sa wikang Ingles). Internet Archive. New York : Holt, Rinehart and Winston. pp. 3, 4, 439. ISBN 978-0-03-089970-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Kadolph, Sara J. (1998). Textiles (sa wikang Ingles). Internet Archive. Upper Saddle River, N.J. : Merrill. pp. 4, 5. ISBN 978-0-13-494592-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "textile | Description & Facts". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-06-11. Nakuha noong 2021-08-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Elsasser, Virginia Hencken (2005). Textiles : concepts and principles (sa wikang Ingles). Internet Archive. New York, NY : Fairchild Publications. pp. 8, 9, 10. ISBN 978-1-56367-300-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Fairchild's dictionary of textiles (sa wikang Ingles). Internet Archive. New York, Fairchild Publications. 1959. pp. 552, 553, 211, 131.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: others (link)
  6. 6.0 6.1 Horrocks, A. R.; Anand, Subhash C. (2000-10-31). Handbook of Technical Textiles (sa wikang Ingles). Elsevier. pp. 1 to 20. ISBN 978-1-85573-896-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Household Textile - an overview | ScienceDirect Topics". www.sciencedirect.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-19. Nakuha noong 2022-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Cloth". Merriam-Webster (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-06. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Smith, Betty F. (1982). Textiles in perspective (sa wikang Ingles). Internet Archive. Englewood Cliffs, N.J. : Prentice-Hall. pp. 3, 10, 17, 49. ISBN 978-0-13-912808-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)